• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpapakalat ng ‘fake news’ sa bakuna, kakalusin – PNP

Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police chief Police General Guillermo Eleazar ang fake news na naging dahilan ng pagdagsa ng mga tao sa vaccination sites noong Huwebes.

 

 

“Nagbigay na ako ng direktiba partikular sa Anti-Cybercrime Group para magsagawa ng malalimang imbestigasyon. Tingnan natin kung meron ba talagang nag-iinstigate ng ganyang mga pananabotahe dahil ‘yan po talaga ang nakakasira sa ating programa,” ani Eleazar.

 

 

Kamakailan, dinagsa ang ilang vaccination sites sa Kamaynilaan matapos kumalat na hindi palalabasin ang hindi bakunado sa  Manila at Las Piñas.

 

 

“Kaya ang direktiba natin sa ating mga chief of police, makipag-coordinate closely with LGU, alamin kung ano ang programa, at gumawa ng plano,” dagdag ni Eleazar.

 

 

Hinimok din ng PNP chief ang publiko na huwag maniwala sa hindi beripikadong impormasyon. (Daris Jose)

Other News
  • Tinanggihan sa pag-ibig: Bebot, kinatay ng sekyu

    ARESTADO kahapon (Lunes) ang isang security guard na umano ay pumatay sa isang babae sa Kawit, Cavite matapos tanggihan ng biktima ang kanyang pag-ibig.   Naaresto ang suspek na si Reggie Boy Estabillo sa isang ginagawang subdivision sa bayan ng Tanza, 3 araw matapos umano niyang patayin sa saksak ang 29-anyos na si Sarah Kaye […]

  • 23 BAKUNA PARA SA DENGUE PINAPAG-ARALAN

    PINAPAG-ARALAN ngayon ng Department of Health (DOH) ang 23 na bakuna para sa dengue kasabay ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dinadapuan ng sakit sa buong bansa.     Sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang 23 bakuna ay nasa emergency medicine list ng World Health Organization (WHO)     Dagdag […]

  • RIDING-IN-TANDEM TODAS SA PULIS SA CALOOCAN

    DEDBOL ang dalawang hindi pa kilalang lalaki na sakay ng isang motorsiklo matapos umanong makipagbarilan sa humahabol na mga pulis makaraang takbuhan ang isang checkpoint sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.     Base nakarating na report kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, dakong alas-11:30 ng gabi, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan […]