HINDI naiwasan na maging emosyunal ng premyadong aktor at public servant na si Cong. Arjo Atayde sa ginanap na thanksgiving party ng “Topakk” na naging entry ng Nathan Studios, Inc. sa 50th Metro Manila Film Festival. 
Ang naturang hard action-drama movie na dinirek ni Richard Somes ay nagkamit ng 3 awards, ang Best Float, Special Jury Award at Fernando Poe, Jr. Memorial Award, na masasabi naming malaking tagumpay na ito para sa produksyon na first time lang sumabak sa MMFF.
Malaki nga ang pasasalamat ni Arjo sa lahat ng nakasama niyang mga artista, hanggang sa staff and crew na nagpakahirap din para mabuo ang pinalakpakan at pinag-usapang pelikula.
“I’m just very blessed to work with the cast, the privilege to work with each of everyone, like Julia, Enchong, Tito Levi and sa lahat.”
Proud na proud si Arjo sa lahat ng bumubuo ng “Topakk” na itinuturing na rin niyang pamilya at hindi lang mga kaibigan. Kaya siguradong magkakaroon sila ng sepanx, at tiyak magkikita-kita pa rin sila.
Malay natin, baka makaroon uli ng pagkakataon na magkasama-sama pa ang ilan sa cast, sakalıng gumawa ng isa pang hard action movie, na muling tatatak sa mga manonood.
Tanggap naman ni Arjo at walang panghihinayang na hindi niya naiuwi ang best actor trophy sa MMFF 2024. Sapat na raw sa kanya ay ang mga papuring natanggap mula sa mga manonood at kapwa artista.

“Every role, I just try my best. I don’t want to prove anything. I just want to tell a good story. I’ve been doing action for a long time pero sa ‘Topakk,’ we did things that haven’t been done.”

“Everything has been such an experience. This MMFF is very diverse, iba’t ibang pelikula, iba’t ibang emosyon, at iba’t ibang mensahe.
“I’m just so happy to see the progression of different stories. We’re all storytellers at the end of the day. To be part of the 50th edition of the festival is a bonus,” pahayag ni Arjo.
Happy rin ang producer/actress na si Sylvia Sanchez sa pagtatapos ng ’Topakk’ sa MMFF 2024.  Dahil kahit paano ay nakagawa ng ingay ang Nathan Studios, at siguradong aabangan ang mga susunod nilang projects.
Pinaghahandaan na rin ang isang family drama na pinaplano rin nilang isali sa susunod na MMFF.  Na sa tingin namin, kung magtutuloy-tuloy ay possible entry nga ito na kung saan makakasama ni Sylvia ang dalawang mahuhusay na aktres, kaya umaatikabong labanan ito sa pag-arte, na magpapaiyak sa manonood.
Bukod dito, dapat ding abangan ang next movie ni Cong. Arjo at ang follow-up action ni Julia Montes.
Masaya rin ibinalita ng premyadong aktres na ipalalabas na ang nabili nilang pellikula, ang ‘Buffalo Kids’ sa February 12 at sa March 12 naman ang Korean drama movie na
‘Picnic’ na ida-dub in Tagalog nina Nova Villa, Ces Quesada at Freddie Webb. Pareho maganda ang reviews, kaya kaabang-abang.
(ROHN ROMULO)