Nagpapasalamat sa guidance ng aktor… RABIYA, kabadong-kabado kapag kaeksena si DINGDONG
- Published on June 13, 2023
- by @peoplesbalita
FIRST time ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na gumawa ng isang drama series, ang murder mystery series na “Royal Blood” sa GMA Primetime, kaya kabadong-kabado siya lalo na kapag kaeksena niya si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Sa story, gumaganap si Rabiya bilang si Tasha, ang kind-hearted neighbor ni Dingdong as Napoy na may secret feelings for him. Siya ang nag-aalaga sa anak ni Napoy, si Lizzie played by a new child actress, si Sienna Stevens.
Kapag nahihirapan daw siyang i-execute ang eksena, laging naroon si Dingdong to help her.
“Salamat sa guidance ni Kuya Dong kapag nahihirapan ako kung paano gawin ang eksena, naroon siya para tulungan ako,” kuwento ni Rabiya.
“Hindi nga ako makapaniwala na makakasama ako sa isang teleserye at makakatrabaho ang mga bigating artista ng GMA Network. It’s a dream come true for me, and I’m very thankful.”
*****
PLAYING a special and significant role sa “Royal Blood” si Tirso Cruz III as Gustavo Royales, the rich and shrewd business tycoon and patriarch of the Royales family.
Ang story ay iikot kung sino ang pumatay kay Gustavo Royales. Marami siyang anak na pare-parehong may interest sa yaman niya, pero ang mapagbibintangan ay si Napoy na bastardong anak ni Gustavo.
Sa mediacon, nagbiro si Pip na nagtataka siya kung bakit itinago sa kanya, sa kanila, kung sino ang papatay sa kanya, ganoong hindi naman daw magtatagal ang exposure niya sa serye.
Sa ngayon ay hindi pa tapos ang taping ng serye, kaya si Pip na rin ang nagsabing, “it give us, ang buong cast, para pagbutihin ng lahat ang pag-arte, para i-build up ang kani-kanilang character na ginagampanan.”
Sa story, ang gaganap na mga kapatid ni Napoy ay sina Mikael Daez, ang kanyang half-brother na asawa ni Megan Young. Sister naman niya ang conservative but mysterious daughter ni Gustavo si Rhian Ramos, na asawa ang ambisyosong si Dion Ignacio. Sister din ni Napoy ang witty at materialistic na si Lianne Valentin.
Sino kaya sa kanila ang papatay kay Gustavo?
Abangan ang world premiere ng “Royal Blood” sa June 19, 8:50 p.m. pagkatapos ng “Voltes V: Legacy” sa GMA-7 at 11:30 p.m. fom Monday to Thursday at 11 p.m. every Friday sa GTV.
*****
AFTER seven years na hindi napapanood sa small screen si Cesar Montano, ngayon ay muli siyang magbabalik, para sa television remake ng pelikulang “Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan” na mapapanood naman sa TV5 simula sa July 10, 2023.
Nagsimula nang mag-taping si Cesar last May 18, kasama niya sina Cristine Reyes at Marco Gumabao, kasama rin nila sina Lito Pimentel, Mickey Ferriols at Felix Roco.
Gagampanan naman ni Cesar ang role na dating ginampanan ni Eddie Garcia na ipinalabas noong November 7, 1983 na pinagbidahan naman noon nina Christopher de Leon at Vilma Santos.
Kamakailan ay napanood si Cesar sa “Martir or Murderer” ng Viva Films katambal si Ruffa Gutierrez.
(NORA V. CALDERON)
-
LTFRB: TNVS tulad ng Grab binigyan ng 5,000 slots sa MM para sa holiday rush
NAGBUKAS ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 5,000 karagdagang slots para sa ride-hailing services sa Metro Manila upang mabigyan ng sapat na serbisyo ang mga pasehero ngayon kapaskuhan. “These slots have been equally distributed among the different Transport Network Vehicle Service (TNVS) such as Grab operating in National Capital […]
-
“Alongside the progress of our province, we are given the opportunity to provide many opportunities for our fellow citizens, such as the gathering we are having now, which promotes the importance of sports, shaping, awareness, and good behavior of our youth” – Fernando
CITY OF MALOLOS – “I want to praise and thank our Lord God for the fulfillment of this meaningful day. Alongside the progress of our province, we are given the opportunity to provide many opportunities for our fellow citizens, such as the gathering we are having now, which promotes the importance of sports, shaping, awareness, […]
-
Navotas solon kabilang sa “Top 3 Perfroming Representatives”
KASAMA si Navotas City Congressman Toby Tiangco sa mga “Top Performing Representatives” ng bawat distrito ng bansa sa isinagawang “job performance” survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD). Base sa inilabas na “Boses ng Bayan” nationwide survey, nanguna sina Sandro Marcos (95.8%), Kristine Singson (95.6%), Duke Frasco (95.6%), Pablo John Garcia (95.2%), […]