• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpasalamat ang buong cast sa groundbreaking project: PIOLO, matinding pressure ang naramdaman dahil well-acted and widely-followed ang series

MAGTATAPOS na ang Kapamilya suspense-drama series na Flower of Evil at nagpapasalamat ang cast dahil naging bahagi sila ng groundbreaking project na ito sa pagitan ng Viu at ABS-CBN.

 

 

Sinabi ng main cast na binubuo nina Edu Manzano, Piolo Pascual, Paulo Avelino, JC De Vera, at Lovi Poe (via zoom) na malaking challenge sa kanila na gawin malapit sa Filipino audience ang kwento para mas maraming maka-relate dito.

 

 

Sabi ni Lovi, “It’s more like making it your own. I was so glad for the guidance of our director. They led us to making it our own version.”

 

 

Sabi naman ni Paulo, may conscious effort daw ang production team para hindi magmukhang adaptation ang kanilang show kundi gawin ito na may touch ng pagka-Pinoy para maiba sa tingin ng mga nakapanood ng Korean version.

 

 

Ayon naman kay Piolo, matinding pressure ang naramdaman niya as an actor dahil well-acted and widely-followed ang series dahil sa ganda nito.

 

Dagdag pa ni Piolo na matindi ang pressure para sa kanilang mga actors dahil mataas ang expectations ng mga tao. Pwede silang ma-bash kung hindi maganda ang show.

 

 

“But the best thing about this is knowing the story, how it’s gonna start and how it’s gonna end. So we had a reference. We kinda had a manual as to how to do it differently,” paliwanag ni Piolo.

 

 

Nagpasalamat naman si Edu sa buong cast ng serye na tinawag pa niyang “gifted.”

 

 

“Kahit paano, hinahawakan pa rin ‘yung kamay ko, as we were holding each other’s hands para makapagpalabas ng isang magandang produkto.”

 

 

Tutukan ang killer finale ng “Flower of Evil” sa Viu, iWantTFC, at IPTV (USA and Canada only) ngayong Huwebes (Oktubre 6) at Biyernes (Oktubre 7) ng 8 PM at sa Kapamilya Channel, A2Z, at Jeepney TV sa Sabado (Oktubre 8) at Linggo (Oktubre 9) ng 9 PM.

 

 

***

MUCH-AWAITED ang reunion concert ng iconic band na Eraserheads!

 

 

Available na ang mga tickets simula kahapon pero ang pinag-uusapan sa social media ay ang prohibitive ticket price.

 

 

Noong Monday ay inanunsyo ng event organizer ang ticket prices na ang cheapest ay P3,050, while ang most expensive ay nagkakahalaga ng P17,260.

 

 

Kung diehard fan ka ng EHeads at gusto mo talaga manood ng concert, willing ka ba gumasta nang ganito kamahal for a one-night gig?

 

 

Hirit ng ibang tao sa social media, marami na raw pwede mabili sa P17k.

 

 

Tanong naman ng iba, bakit pag Korean artist ang may concert, willing gumastos ang fans kahit magkano pero pag Pinoy band parang ayaw nila?

 

 

Wala kaming idea kung magkano ang ticket prices ng mga Korean artists na nagpe-perform sa big venues like Araneta Coliseum or Mall of Asia pero marami naman ang nanonood sa kanila.

 

 

Kaya ang tanong namin sa mga diehard EHeads fans – willing ba sila gumastos ng P17k para pakinggan ang kanilang paboritong grupo for a reunion show na posibleng di na mauulit?

 

 

Pero kung rich naman ang fan and can afford sa ticket for one night, at hindi issue sa kanya na mahal ang ticket, by all means tiyak manonood yun.

 

 

Pero doon sa namamahalaan sa presyo ng ticket,sa hirap ng buhay ngayon, okay na lang sa kanila di man nila mapanood ang concert.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • PNP nakahanda sa pagpapatupad ng ‘granular lockdown’ sa NCR

    Tiniyak ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar na handa ang PNP sa pagpapatupad ng granular lockdown sa Metro Manila kung ito ang ipag-utos ng IATF pagtatapos ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Setyembre 7.     Ang granular lockdown ay pagsasara ng bahagi ng barangay, na may mataas na kaso ng COVID 19.   […]

  • Silent protest ikinasa ng San Lazaro medical frontliners

    Nagsagawa ng silent protest ang San Lazaro Hospital noong Huwebes, July 16 sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa pamamagitan ng paglalatag ng kanilang mga sapatos sa harapan ng ospital.   Sa ulat, humihingi ang frontliners ng sapat na suplay ng personal protective equipment (PPEs) at kanilang mga sweldo habang sila ay naka-mandatory […]

  • Parang kailan lang nang makilalang si Trudis Liit: JILLIAN, pinaghahandaan na ang bonggang debut next month

    PARANG kailan lang, ang 6-year old na nakilalang si Trudis Liit, si Kapuso young actress Jillian Ward, ay magiging isang beautiful debutante na on February 23, 2023.       Sa ngayon ay plantsado na pala ang mga paghahanda, pero ayaw pang i-divulge ng bida ng GMA inspirational-medical drama series na “Abot-Kamay na Pangarap” na si […]