Nagpasalamat sa higit na tatlong dekada na magkasama: SHARON, wasak na wasak ang puso sa pagpanaw ng kaibigan na si FANNY
- Published on May 14, 2022
- by @peoplesbalita
ILANG araw pagkatapos ng National Election, nadagdagan ang sobrang kalungkutan ni Megastar Sharon Cuneta dahil nagluluksa naman siya sa pagpanaw ng malapit na kaibigan na si Fanny Serrano.
Ramdam na ramdam ang kanyang IG post na may caption na, “Too much heartbreak, in only a matter of days.(kasama ng tatlong black hearts icon)”
Ni-repost ni Sharon ang photo ni TF na may caption na, “Rest in peace Tita Fanny Serrano!
“Born Felix Mariano Fausto Jr., the celebrity make-up artist, stylist, and Fashion designer passed away today (May 12) at 72 years old.
“He suffered a stroke in 2016 and another one in 2021.”
Kasunod na IG post ni Mega ang larawan ng mga kamay nila ni Tita Fanny, na kung saan pinadama ang kanyang pasasalamat sa kaibigang nakasama sa tatlong dekada ng kanyang pagiging artista.
Sabi ni Sharon, “The hands that made me feel and look beautiful for over thirty years, even when I didn’t think I did. Thank you, my dearest TF, my Tita Fanny, for your love, friendship, loyalty, and for all the laughter we shared.
“Thank you for wiping so many tears quietly as they poured from my eyes on so very many occasions over all these three decades. I find peace in that I kept my promise to you.
“I know you have gone straight to heaven, and I pray that I see and laugh with you again there someday…I love you so very much.”
Bumuhos naman ang pakikiramay at ang ilang ay nagpasalamat din sa mga nagawa ni TF tulad ni Dina Bonnevie.
Say ng aktres, “Prayers for you TF! I love you and thank you for being the first person to teach me how to pose for the camera. Thank you for all the wonderful pictorials and awards nights we did together! I know you are happy with Jesus forever.”
Nagwo-worry naman ang netizens para kay Sharon, comment nila, “Ok lng po ba kyo ate @reallysharoncuneta you need a break po kung maari po magpunta po kyo sa lugar kung san mkakagaan nang pakiramdam nyo po.”
“So sorry for your loss… our deepest condolences. Praying for strength during this time.”
“Growing up I am seeing Tita Fanny in TV making all artists look beautiful and now he is gone even id he does not know me it breaks my heart too.”
“Condolence and sending you tight hugs po mama. It must’ve hurt losing someone special to you. Stay strong mama, i know he’s watching you po from above there.”
“Keep strong ma,we’re here 4 u always ma,sending warm hugs.”
Comment pa ng ibang netizens:
“Condolences to TF’s family and to Tita Shawie. Alam ko mahal talaga ni Sharon si TF. Parang kay Shawie pa ata yun bahay or store ni TF. Kahit na sa interview kay TF sa house nya noon sabi nya super close sila ni Mega.
“This breaks my heart. They’ve been friends for over 30 years. And guess what, Sharon owns the land where his salon is located and let him have it there for ever. It’s a once in a lifetime friendship. RIP, TF.”
“To Sharon, be strong. when it rains, it pours – but it will not be forever. Look forward for the rainbow…”
“Bata palang ako icon na si TF. Kakalungkot pero ganun talaga ang buhay. Hayyy. RIP, TF! You were well-loved here on Earth.”
(ROHN ROMULO)
-
Warriors star Stephen Curry hindi makakapaglaro ng 2 laro dahil sa injury
POSIBLENG hindi makakasama ng Golden State Warriors ng dalawang laro si Stephen Curry matapos na magtamo ng injury. Ayon sa Warriors, na nagpapagaling ito sa kaniyang ankle injury. Natamo nito ang nasabing injury sa pagkatalo ng Warriors laban sa Los Angeles Clippers nitong Lunes sa score na 112-104. Sumailalim […]
-
Hindi paplanuhin kung kakandidato: VICE GANDA, patuloy na nililigawan na pasukin ang pulitika
ISA si Vice Ganda sa mga nililigawan ng mga political parties para tumakbo sa darating na mid term elections. Pero wala ni isang pinagbigyan ang main host ng “It’s Showtime”. Sa isang interview kay Vice ay nabanggit ni Vice na kung kakandidato siya ay hindi niya ito paplanuhin. “Parang hindi ko siya mapaghahandaan. […]
-
Top 6 most wanted person ng Mandaon, Masbate nalambat sa Valenzuela
NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng isang lalaki na nakatala bilang top 6 most wanted sa bayan ng Mandaon, Masbate matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Mario Rubis, 43, tubong Mandaon, Masbate at residente ng […]