Nahahawig sa pinagdaanan ni Ysabel: MIGUEL, ‘di makalilimutan ang death scene ni CARLA sa ‘Voltes V: Legacy’
- Published on September 5, 2023
- by @peoplesbalita
MAGTATAPOS na ang ‘Voltes V: Legacy’ sa September 8.
Apat na buwang umere sa GMA ang naturang live action sci-fi series na naging consistent top-rater gabi-gabi, Lunes hanggang Biyernes.
Bida rito ang limang bumubuo sa Voltes team; sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert Armstrong at Raphael Landicho bilang Little Jon Armstrong.
Samantala, may pagkakapareho ang eksenang hindi makalilimutan na ginawa nina Miguel at Ysabel sa kabuuan ng serye.
May kinalaman ito sa relasyon ng magulang at anak.
“Actually ang dami talagang mga eksena pong hindi malilimutan,” umpisang sinabi ni Miguel.
“Pero para sa akin yung death of Mary Ann ang pinaka hindi ko po malilimutan!”
Si Mary Ann Armstrong, na ginampanan ni Carla Abellana, ay ang ina ng Armstrong brothers na sina Steve, Big Bert at Little Jon.
“Dahil first time ko pong gawin yun na mamamatay yung kaeksena ko pero hindi ko siya kaeksena.
“Na puro green lang yung nakikita ko, ang hirap niyang i-visualize, i-imagine habang nasa eksenang na yun. Pero buti na lang, yung ginagawa po kasi namin sa set binabato ng kaeksena mo sa gilid, kahit hindi sila kita sa kamera, yung lines nila.
“So for me yun nga, yung death of Mary Ann dahil unang-una mahirap siyang gawin hindi lang dahil sa green screen ang nakikita ko pero for direk din dahil isang taon ang pagitan ng eksena na yun.
“Shinoot yung sa akin tapos after a year tsaka si Ate Carla su-shoot so mahirap yung continuity nun for direk. And favorite ko rin siya dahil isa yun sa pivotal moments ng show.
“Iyon yung isa sa mga scenes na magde-define kung sino talaga ang Armstrong brothers. So iyon.
“Tsaka sobrang sakit nun nung ginagawa namin siya dahil sacrifice e, nag-sacrifice yung nanay mo para sa buhay mo.”
Sa naturang eksena, tulad ng napanood ng publiko, ay tila matatalo ng beast fighter ng mga Boazanian ang robot na si Voltes V kaya minabuti ni Mary Ann na magpalipad ng jet at ibangga ito sa beast fighter habang sakay siya, sanhi ng pagkamatay niya para lamang mailigtas ang Voltes team, lalo na ang kanyang tatlong anak na sina Steve, Big Bert at Little Jon.
“Ang bigat, ang bigat nun sa puso habang ginagawa siya. Kitang-kita naman nagmo-moist yung visor namin habang ginagawa namin dahil totoong emosyon talaga yung nandun sa eksenang yun.”
Nahahawig rin sa ikinuwento ni Miguel ang senaryo ng eksenang hindi raw malilimutan ni Ysabel sa ‘Voltes V: Legacy’ at ito ay ang pagpanaw naman ng ama ni Jamie, si Commander Oscar Robinson, na ginampanan ni Gabby Eigenmann, sa mga kamay rin ng Boazanian aliens.
Tulad ni Mary Ann (Carla), isinakripisyo ni Commander Robinson ang kanyang buhay nang iharang niya ang kanyang sarili upang huwag tamaan si Jamie ng laser mula sa alien spacecraft na minamaneho ng salbaheng Boazanian na si Oslack na ginampanan ni Nico Antonio.
“Grabe po yung pinagdaanan nung scene na yun when we were shooting it. Ang daming… I’m not sure if I can reveal as much basta ang masasabi ko lang po is super-dami po nang pinagdaanan nung scene na yun.
“And sobrang perfect lang din po kasi ang dami rin po naming napagsamahan ni Kuya Gab throughout Voltes V.
“So when it came to the time that we had to shoot na the death scene of Commander Robinson, yung feeling na parang mayroon na rin kaming relationship na maituturing na rin namin na puwede naming i-apply sa relationship ni Commander Robinson and Jamie na parang father-daughter na rin.
“So sobrang meaningful sa akin nung scene na yun kasi iyon po, talagang Kuya Gab and I depended on not just our roles but on each other din to portray that scene perfectly or to portray the scene the way it was portrayed.
“And also it wasn’t the same po kasi di ba as the anime, sa anime po kasi yung helicopter ride, sa helicopter po namatay si Commander Robinson.
“Pero dito it was more painful, it was more emotional so sobrang in-appreciate ko and in-enjoy ko and na-savor ko yung moment ng scene na yun kasi talagang it was also a pivotal moment for Jamie.”
***
KUWENTO naman si Radson Flores na gumaganap bilang Mark Gordon sa kanyang memorable scene sa top-rating primetime series.
“Bukod po dun sa horseback scenes na ginawa po namin sa [Voltes V: Legacy], yung pinaka memorable po sa akin na eksena is yung campfire scene po namin,” pahayag niya.
“Kasi nung napanood ko na po yung pinaka eksena makikita niyo na po yung highlight ng personalities ng lahat ng characters kasi halos eighty percent po yata ng mga nagwu-work sa Camp Big Falcon nandun po sa circle na po na yun.
“From the V5 team, sila Elle [Villanueva na gumanap bilang si Eva], nandun po silang lahat. Makikita niyo po yung characters, yung personalities nila.
“Like kunyari ako si Mark makikita ko yung personalities ng iba, kung ano ang personality ni Steve, ni Jamie, ni Little Jon, ni Big Bert, so for me very beautiful scene.”
Ang mga eksena habang nagpapalipad ng aircraft na bahagi ng Voltes V robot naman ang paboritong eksena ni Raphael Landicho; Gimbal scenes ang tawag nila rito.
Ang Gimbal ay ang mechanism na ginagamit sa mga cockpit sequences ng Voltes team.
“Challenging po siya lalo na po yung pag nakikipag-away po kami sa mga beast fighters, ang hirap pong mag-imagine, mag-visualize.
“Tapos kunwari po nasasaktan kami, kunwari nakukuryente po kami. Kaya iyon po, memorable po yun.”
Kapag nakasakay siya sa sasaskyan niya pakiramdam raw ni Raphael ay nagpapalipad siya talaga ng aircraft.
“At yung pangalawa po yung pagbuo ko po kay Octo-1, the sixth member of Voltes team.”
Si Octo-1 ay isang maliit na robot na pugita na sidekick ni Litlle Jon na binosesan ng komedyanteng si Michael V.
Nagkita nga raw sina Raphael at Michael V sa ginanap na GMA Gala.
“Kaya tuwing nagkikita po talaga kami ang tawagan namin, ‘Bestfriend!’ Kapag tinawag ko po siyang bestfriend tumitingin siya agad, alam niya na po na siya si Octo-1.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
DepEd , magtatatag ng task force, operation at monitoring center para sa 2022 polls
MAGTATATAG ang Department of Education (DepEd) ng Election Task Force (ETF) at operation at monitoring center. Bahagi ito ng ginagawang paghahanda ng DepEd para sa nalalapit na halalan sa bansa. Sa katunayan, nagpalabas ang DepEd ng “Memorandum No. 10, series of 2022 or the Establishment of the 2022 DepEd Election Task […]
-
Kumpanyang sangkot sa oil spill, dapat magbigay din ng ayuda
HINIMOK ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap ang kumpanya ng lumubog na MT Princess Empress na magbigay din ng ayuda sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro. Ayon kay Cong. Yap, “napapansin ko na pawang gobyerno lang ang nagbibigay ng ayuda sa mga biktima ng oil spill at walang pakunswelo man lang ang […]
-
Bibili ng bahay sa Manila para mapalapit kay Sofia: BARON, gustong makasama uli si VILMA at bilang kontrabida
SUPER happy ang aktor na si Baron Güneşler sa pagkapanalo niya bilang pinakamahusay na aktör sa katatapos na 39th Star Awards for Movies. Ito ay dahil sa napakahusay niyang pagganap sa pelikulang “Doll House”. Dahil dito ay lalong ganado raw ang aktor sa mga ginagawa niyang sunod- sunod na proyekto. “İsa na […]