• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAIA glitch ‘di cyber attack – CAAP

MALABONG cyber-attack ang naging dahilan ng aberya sa air traffic management system (ATMS) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Bagong Taon.

 

 

Ito ang sinabi ni Civil Aviation Authority of the ­Philippines (CAAP) executive director Manuel Tamayo sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe.

 

 

Ayon kay Tamayo, lumalabas sa parallel investigation ng Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC) ng CAAP noong Enero 3 na unlikely na cyberattack ang dahilan ng NAIA glitch.

 

 

Sa kabila naman ng findings, sinabi ni Tamayo na ibinigay pa rin ng CAAP sa CICC para sa kanilang forensic prove ang circuit breaker at power transport switch ng ATMS.

 

 

Ang CICC ay attach agency ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

 

 

Sa pagdinig ng Senado ay ipinaliwanag ni Tamayo ang nangyari noong Enero 1 gamit ang isang power point presentation pinakita niya na pumalya ang isa sa mga circuit breaker dahil sa over voltage ng kuryente na na-detect ng dalawang uninterruptible power system (UPS) na otomatikong nag-shutdown para maiwasan ang mas malaking pinsala sa system.

 

 

Humingi naman si Tamayo ng paumanhin sa mga taong naabala at naapektuhan ng insidente.

 

 

Aniya, magsisilbi itong leksyon sa CAAP at inaako nila ang responsibilidad at accountability. (Daris Jose)

Other News
  • Unang araw ng pambansang pagbabakuna, napakatagumpay- Sec.Roque

    NAPAKAMATAGUMPAY ng nangyaring pambansang pagbabakuna ng Sinovac na nagsimula araw ng Lunes, Marso 1 sa iba’t ibang ospital sa bansa.   Ipinagmalaki ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang dobleng bilang ng mga nagpabakuna sa Philippine General Hospital (PGH) kung saan ay hindi ito inaasahan ng pamunuan ng PGH.   “At least doon sa PGH kung […]

  • Mga politikong ginagamit ang ‘TUPAD’ sa kampanya, tukuyin – DOLE

    Hinikayat kahapon ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III si Senador Panfilo Lacson na ibigay sa kanila ang pangalan ng mga politiko na sinabi niyang gumagamit sa TUPAD program para pilitin ang mga benepisyaryo na lumahok sa kanilang mga caravan.     “As soon as Sen. Lacson can give me the […]

  • SSS, bukas na sa aplikasyon ng calamity loan

    BINUKSAN na ng Social Security System (SSS) ang pintuan upang tumang­gap ng aplikasyon ng calamity loan para sa mga miyembro nito na nakatira at nagtatrabaho sa Taiwan na naapektuhan ng nagdaang 7.2 magnitude na lindol sa nasabing bansa noong Abril 2024.       Ayon sa SSS, ang naturang loan ay bukas sa mga SSS […]