• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naiyak sa tuwa sa regalong natanggap: Tanging hiling ni DAGUL sa 2023, makabalik sa pag-arte

ANG bumalik sa pag-arte sa TV ang tanging hiling ng komedyanteng si Dagul para sa 2023.

 

 

Bukod daw sa na-miss niya ang umarte, may dalawang anak pa raw siya na pinag-aaral.

 

 

Noong magkaroon kasi ng pandemya noong 2020 ay nawalang ng regular na trabaho si Dagul na siyang nakaapekto sa kanilang kabuhayan. Dating may sari-sari store sila na kailangan nilang isara dahil naubos na ang puhunan nila para rito.

 

 

Nagpapasalamat na lang si Dagul na kinakaya nilang pamilya ang dumating na krisis sa kanilang buhay dahil na rin sa dasal at sa tulong ng ilang mga kaibigan.

 

 

“Ito, survive survive, diskarte. Kahit paano, may kinikita kahit kaunti. Ang sabi nga ng misis ko, ganu’n talaga ang buhay, minsan maganda. Sanay naman kami sa hindi ‘yung pamumuhay na mayaman talaga, kasi galing din ako sa mahirap eh,” pahayag pa niya.

 

 

Nitong nakaraang Noche Buena, hindi raw sila nagplano at nagdasal na lang na makatanggap sila ng biyaya. Nataon na pinadalhan ang pamilya niya ng Noche Buena package ng Kapuso network na may kasama pang GMA Affordabox at GMA Now, at ang regalo mula sa Kapuso Foundation.

 

 

Minsan na kasing naisadula sa ‘Magpakailanman’ ang life story ni Dagul at nakapag-guest pa sa ‘Boobay at Tekla Show’ ang kanyang anak na si Jkhriez.

 

 

Naiyak sa sobrang tuwa ni Dagul nang matanggap ang regalo mula sa GMA para sa kanyang pamilya ngayong Pasko.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • ‘Flash’ Movie Director Shares Image Of Michael Keaton’s Bloody Batman Suit

    DIRECTOR Andy Muschietti has shared a new image from the set of The Flash teasing the Batman suit for Michael Keaton’s depiction of the Dark Knight.     Written by Birds of Prey scribe Christina Hodson, the 12th film in the DC Extended Universe will see the titular speedster go back in time in an effort to save his mother […]

  • Romualdez, may paalala sa PNP at PCG ngayong Semana Santa

    “GAMPANAN ng mabuti ang inyong mga trabaho ngayong Semana Santa para iwas sa sakuna ang taumbayan.” Ito ang paalala ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga otoridad tulad ng mga pulis at coast guard personnel ngayong long weekend dahil sa Holy Week. Aniya, “napapansin ko kasi na tuwing may mahabang bakasyon hindi maiwasan ang […]

  • Obiena may tiket na sa World meet

    PASOK na si Olympian Ernest John Obiena sa World Athletics Indoor Championships at World Athletics Championships.     Ito ang inihayag ni Obiena matapos ang kanyang gold medal performance sa Orlen Cup na siyang naging tiket nito para makahirit ng puwesto sa dalawang mala­king world level competitions.     “Last night in Lodz, Poland I […]