• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naka-focus na uli ngayon sa karakter sa serye: ALDEN, ‘di makapaniwalang tapos na ang movie nila ni KATHRYN

 

NAGBALIK na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa set ng GMA Prime series na Pulang Araw.

 

 

 

Halos isang buwan siyang nawala rito para naman i-shoot ang kanyang upcoming movie na Hello, Love, Again sa Canada.

 

 

 

Dumaan din siya ng Amerika para maging bahagi ng Sparkle World Tour.

 

“It’s always been worth it naman. Of course, it’s tiring physically but the mere fact that you’re blessed with work and you are able to do all those things in a short span of time, nakakatuwa rin kasi at least na cover ko siya, nagawa natin siya kahit marami tayong ginagawa on the side,” lahad ng aktor.

 

Natapos na ang shooting ng pelikula kung saan muli niyang makakatambal ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

 

“I felt a little bit sentimental, of course, with the place and ang haba ng time na magkakasama kami doon. Parang nagulat ako na in an instant tapos na pala siya,” pag-amin ni Alden.

 

Sa ngayon, naka-focus siya sa mga eksena ng kanyang karakter na si Eduardo sa Pulang Araw.

 

“This project has a higher calling for all of us eh. Parang nakakahiya na hindi mag-perform. Hindi naman pwedeng i-take for granted ‘yung chances namin na every scene that we do is a part of Philippine history being told to the audience,” paliwanag ni Alden

 

***

 

TWO months na palang namamalagi sa Pilipinas ang Korean actor na si Kim Ji-soo. Nakadalawang serye na siya sa GMA na Black Rider at Abot-Kamay Na Pangarap.

 

Sa dalawang buwan na pananatili sa bansa, nagkaroon na ng paboritong pagkaing Pinoy si Kim Ji-soo, at ito ay ang sisig na may garlic rice.

 

Ayon pa kay Kim Ji-soo, gusto niyang masubukan ang iba pang mga lutong bahay ng mga Pilipino.

 

“My favorite is always sisig. Sisig with garlic rice is a good combination. And, I wanna try lutong bahay, home-made food,” sey pa niya.

 

Bukod sa pagkain, nagustuhan din ni Kim Ji-soo ang mainit na klima ng Pilipinas: “I’ve been here for a couple of months since I started ‘Black Rider. I really love the Philippine weather, the hot weather.”

 

Dahil at home na at home nq si Oppa sa ating bansa, hindi nakakapagtakang magkaroon na siya ng home base dito. Kaya last August 28, opisyal nang pumirma ng management contract si Kim Ji-soo sa Sparkle GMA Artist Center.

 

***

 

PARA sa 30th anniversary ng hit comedy series na Friends, nagkakaroon ng special live auction online ng ilang Friends memorabilias ang Julien’s Auction on Sept. 23.

 

Tatawagin itong “The One with the 30-Year Anniversary Auction”. Ilan sa mga ipapa-auction ay ang head sculpture sa apartment ni Ross Gellar (David Schwimmer); the ottoman sa living room; a dress worn by guest star Bruce Willis, blue denim coat worn by Phoebe Buffay (Lisa Kudrow) and a sweater worn by Rachel Green (Jennifer Aniston).

 

Isa rin sa ipapa-auction ay ang sinuot na sweater ni Chandler Bing (the late Matthew Perry) sa 7th season ng show. The blue-grey sweater, with a certificate of authenticity, has a starting bid of $250. Umakyat na ang bid to $1500.

 

Friends premiered on Sept. 22, 1994.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Early Valentine’s Day treat nila ang TVC ng TNT: DANIEL at KATHRYN, kaabang-abang ang mga pasabog ngayong 2023

    EARLY Valentine’s Day treat para sa KathNiel fans ang pagpapakilala ng value mobile brand TNT kay Daniel ‘DJ’ Padilla bilang bagong endorser nito, kasama ang ‘real and reel life’ partner na si Kathryn Bernardo.     Binansagang ‘Supreme Idol’ ng kanyang henerasyon dahil sa karisma niya at talento, si DJ ay kasama ni Kathryn sa […]

  • Mga LGU hinikayat na hakutin ang mga mamamayan para mabakunahan

    Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government units (LGU) na bigyan ng mga pagkain ang kanilang mga mamamayan na magpapabakuna laban sa COVID-19.     Sa kanyang talk to the people nitong Martes ng gabi sinabi ng pangulo na dapat gumastos na ang LGU dahil kaniya rini itong babayaran.     Umapela rin […]

  • Nag-expire na vaccines papalitan ng COVAX facility – DOH

    TINIYAK  ng Department of Health (DOH) na papalitan ng COVAX facility ang mga COVID-19 vaccines na nag-expire na.     Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na kabilang sa papalitan ng COVAX ay ang mga bakunang nabili ng mga pribadong sektor.     Dagdag pa nito na mayroong kasunduan noon pa ang COVAX facility […]