NAKA-HEIGHTENED ALERT DAHIL SA DELTA VARIANT
- Published on June 23, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na lahat ay naka-heightened alert ngayon dahil sa banta ng Delta variant.
Kaugnay nito, binibigyan diin ng DOH ang direktiba ng IATF pagdating sa Cebu dahil nais lamang aniya ng gobyerno na makontrol ang lalo pang pagpasok ng double mutant variant .
” Lahat po tayo ngayon ay nasa heightened alert”, ayon kay Vergeire.
“Lahat ng local government at lahat ng regional offices ay na-inform na kailangang bantayan maigi ang Delta variant sa buong bansa at sa mga border control,” ayon pa kay Vergeire. Napag-usapan din aniya na hindi maaaring hindi pare-pareho o uniform ang kanilang implementasyon sa mga border control.
“We cannot have non- uniformity in implementation of our border control’, giit pa ng opisyal.
“Yan po ang pinag-uusapan, napagkasunduan,” dagdad pa nito.
Nakausap na rin aniya ang mha regional directors ng ibat-ibang ahensya sa Cebu at ang direktiba ay ang pagpapatupad ng mga hakbang .
Sa Cebu naman aniya ay nag-uusap na rin para maiayos kung paano maumpisahan ang pagpapatupad nga. Mga hakbang sa border control. (GENE ADSUARA)