• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakapagpahinga na ng ilang buwan: JOHN LLOYD, balik-sitcom na sa pagbubukas ng bagong taon

PATULOY ang GMA Network sa pag-participate sa international market, after nilang nag-join sa MIP-COM in Cannes, France last October, GMA through its content distribution arm GMA Worldwide. 

 

 

Nag-participate naman sila sa Asia TV Forum (ATF) 2022 in Singapore, na kilalang Asia’s leading entertainment content market, this year’s event is the first in-person Asia TV Forum since 2019.

 

 

Pinangunahan ni  Jose Mari R. Abacan, First Vice President for Program Management, ang mga representatives ng GMA Network.

 

 

Sa three-day event, ipinalabas ang top-rating and trending historical portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra”, bannered by Barbie Forteza as Klay, Julie Anne San Jose as Maria Clara, and Dennis Trillo as Ibarra.

 

Ipinalabas din ang “LUV IS; Caught In His Arms,” ang much-anticipated collaboration project between GMA Network and Wattpad Webtoon Studios.  An adaptation of the hit Wattpad novel, the series is topbilled by Sparkles favorite loveteam, Sofia Pablo and Allen Ansay.

 

 

Mapapanood na rin ang “LUV IS: Caught in His Arms” sa January, 2023 sa GMA Network.

 

 

***

 

 

NAKAPAGPAHINGA na si John Lloyd Cruz ng ilang buwan din na nagkaroon ng season break ang kanyang sitcom na “Happy ToGetHer” sa GMA Network, na pansamantalang pinalitan ng  “Running Man Philippines.”

 

 

Ngayon ay muling magbabalik na ang sitcom this coming January, 2023.  Magkaroon na kaya ng permanent leading lady si John Lloyd, or tuluy-tuloy pa rin na every Sunday ay iba ang kanyang special guest?

 

Nagtapos ang sitcom na ang special guest ni JLC ay si Arra San Agustin, pero sa ipinakitang teaser ng pagbabalik muli nila, guest ulit ang Sparkle beauty.

 

 

Other stars sa cast ay sina Ms. Carmi Martin at Miles Ocampo.  Ang “Happy ToGetHer” ay under the direction of  Edgar “Bobot” Mortiz.

 

 

                                                          ***

 

 

TULOY na ang muling pagbabalik ng reality talent competition ng GMA Network, ang “The Clash 2023.”  Nagsimula na ang audition sa libu-libong contestants mula sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas, na ang mga pinakamagagaling na clashers lang ang natira.

 

 

The other day, ipinasilip na ng The Clash sa kanilang social media accounts ang ilan sa napili sa Top 30 kabilang sina Jamie Elise, Arabelle dela Cruz, Isaac Zamudio, Nash Casas at Kirby Bas.

 

 

Nagsimula na ring mag-taping ang mga hosts na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ang The Clash panel of judges na sina Comedy Queen  Ai Ai delas Alas, Asia’s Nightingale Lani Misalucha at Christian Bautista.

 

Tutukan ang kanilang journey at kilalanin ang iba pang makapapasok sa Top 30 sa pamamagitan ng pag-follow sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok at YouTube ng The Clash.  Abangan natin ang “The Clash 2023” soon on GMA-7.

 

                           ***

 

 

CONGRATULATIONS sa #PinoyChristmas in Our Hearts sa YouTube, dahil umani na ito ng mahigit nang 1 million views ang nakukuha ng digital exclusive ng GMA Public Affairs at YouTube  sa https://bit.ly/3PPXZFi,

    (NORA V. CALDERON)  

Other News
  • Zack Snyder, Unveiled New Character Poster for Ben Affleck’s Batman in ‘JL’

    A new poster for Zack Snyder’s Justice League puts the spotlight on Batman’s latest costume.     Director Zack Snyder has finally been granted the opportunity to finish his intended DCEU team-up film, which unites the franchise’s most iconic heroes for an epic battle.     Justice League will premiere on HBO Max on March 18 as a 4-hour movie, as […]

  • BFP inirekomenda ang overhauling ng electrical system sa PGH

    INIREKOMENDA  ng Bureau of Fire Proteksyon (BFP) ng pag-overhaul sa electrical system ng Philippine General Hospital.     Kasunod ito sa naganap na sunog sa nasabing pagamutan noong nakaraang linggo.     Balik sa normal operasyon na ang emergency room ng pagamutan matapos na naayos na ang napinsala ng sunog.     Magugunitang itinaas sa […]

  • No. 1 most wanted ng Malabon, nalambat sa Bulacan

    NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang tinaguriang No. 1 Most Wanted Person ng Malabon City matapos matunton ng pulisya kanyang lungga sa Marilao, Bulacan.   Pinuri ni National Capital Region Police Office, Chief, P/ MGen. Debold Sinas ang mga operatiba ng Warrant and Sub- poena Section at Intelligence Section ng Malabon Police Station sa ilalim […]