Nakararanas ng hirap sa mga isinasagawang response effort sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad dahil sa patuloy na banta ng Covid-19
- Published on October 16, 2020
- by @peoplesbalita
PUMIYOK si National Disaster Risk Reduction & Management Council Executive Director USec Ricardo Jalad na hirap ang kanilang sitwasyon ngayon kung saan maliban sa sinusuong na pandemya ay sumabay pa ang paghagupit ng bagyo sa ilang bahagi ng bansa.
Sa Laging handa public press briefing at sinabi ni Jalad na may mga evacuation centers kasi na itinayo ang DPWH at mga LGUs ang pansamantalang ginawang isolation o quarantine facilties.
Kaya’t limitado lamang aniya ang mga evacuation center na puwedeng pagdalhan sa mga kababayang apektado ng pagbaha dala ng bagyo.
Kasunod nito, siniguro rin ni Jalad na mahigpit na ipinatutupad ang social distancing sa mga evacuation centre.
Samantala, umapela naman si Jalad sa mga LGUs na gumamit ng iba pang pasilidad tulad ng covered court, multi purpose halls at gyms para duon muna pansamantala kalingain ang mga kababayang maaapektuhan ng sama ng panahon.
At pagdating naman aniya sa relief goods ay nakahanda na ito maging ang mga non food items at mga gamot.
-
DOTr, nagpaliwanag sa pagsasapribado ng NAIA
NAGPALIWANAG si Department of Transportation Secretary Jaime Bautista hinggil sa ulat na pagsasapribado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa idinaos na press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Bautista na walang mangyayaring pagbibigay sa pribadong sektor sa asset ng NAIA dahil ipapaubaya lamang ang management sa operasyon sa pamamagitan ng concession agreement. […]
-
Fernando, humakot ng 24 na parangal para sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Panibagong milyahe ang nakamit ng Lalawigan ng Bulacan sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pagtanggap nito ng kabuuang 24 na nasyunal at rehiyonal na parangal para sa unang anim na buwan ng ikalawang termino ng punong lalawigan. Inialay ni Fernando ang mga parangal sa mga […]
-
Obvious naman na walang anak at hindi kasal kay Maine: ALDEN, nasagot na ang isyu kaya tathimik at ‘di na nagre-react
OBVIOUS at very given naman na wala talagang anak at hindi kasal sina Alden Richards at Maine Mendoza. Pero may ilang Aldub fans talaga na kung ano ang pinaghuhugutan at pinaniniwalaan ito. Nabuhay na naman at naging maingay ang chika na ‘to dahil sa naging interview ni Maine recently sa Youtube […]