Nakikipag-mabutihang bansa lang ang Pilipinas sa China- Sec. Roque
- Published on February 18, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI bahag ang buntot ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa China kundi nakikipag-mabutihang bansa lamang ang Pilipinas sa China.
Noong nakaraang Biyernes ay sinabi ni Pangulong Duterte na kailangang magbayad ng Estados Unidos sa Pilipinas kung nais nitong nitong manatili ang tropang amerikano sa bansa.
Pumiyok ang Chief Executiive na hindi kayang magmatapang sa China dahil umiiwas ito sa anumang komprontasyon.
At sa tanong kung matapang lang si Pangulog Duterte sa Amerika subalit malambot pagdating sa China ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na, “Hindi naman totoo iyan.”
“Ang ginagawa lang naman po ni Presidente ay nakikipagmabuting kapitbansa sa bansang Tsina dahil sa gustuhin at ayaw natin, talaga namang kapitbansa natin iyan ‘no,” ani Sec. Roque.
“Sabi nga nila, kinakailangang makipagkasundo sa kapitbahay, maski hindi ka makipagkasundo sa kamag-anak ‘no. Importante po talaga na magkaroon tayo ng mainit na pagsasama sa ating mga kapitbansa in the same way na importante iyong pagiging mabuting kapitbahay natin sa ating mga lokalidad,” dagdag na pahayag nito.
Aniya, nais lamang naman ng pamahalaan ng makatarungang kompensasyon para sa Visiting Forces Agreement, kung saan ay pinapayagan ang US troops at mga kagamitan nito sa Pilipinas, upag maging “valid military target” kapag ang Washington ay nasangkot sa giyera.
“Pagdating naman po sa Amerika ay matagal na po kasi natin ito hinihingi sa kanila na magbayad ng tama,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Netizens, kinilig at hiling na sana’y pakasalan na siya: KIM, ang sweet ng birthday message para kay XIAN
ANG sweet ng birthday message ni Kim Chiu para sa kanyang boyfriend na si Xian Lim. Kasama ang compilation ng kanilang mga sweet photos and videos together, at may caption ang IG post ni Kim ng… “Happy Birthday to the person who holds my ❤️. Thank you for being you and always […]
-
DAYO BINOGA SA BASECO, PATAY
PATAY ang isang lalaki na dumayo lamang sa lugar nang pagbabarilin ng di nakilalang suspek sa Baseco compound, Tondo, Manila Kinilala ang biktima na si Franjill Francia, nasa wastong edad ng Block 3 Lot 60 Mustard Street, Camella Homes, Bacoor, Cavite,base sa nakuhang lisensiya sa kanyang pitaka. Sa ulat ng Manila Police District […]
-
Paghubog sa Kinabukasan: Ang Bagong Yugto ng Aboitiz Foundation sa Pag-angat ng Buhay ng mga Pilipino
Nagsama-sama ang mga miyembro ng Aboitiz Group sa isang masayang pagtitipon upang ipagdiwang ang pagsisimula ng bagong yugto para sa kanilang corporate citizenship arm, ang Aboitiz Foundation Inc. (AFI). Ito ang nagsilbing simula ng panibagong paglalakbay ng Aboitiz Foundation upang hubugin ang kanilang misyon na maging visionary leader sa sustainable development. Nagsagawa ang […]