Nakitang lapses sa anti-drug campaign ng pamahalaan, nothing is perfect- Roque
- Published on October 27, 2021
- by @peoplesbalita
NOTHING is perfect.
Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging pahayag ni Vice-President Leni Robredo na nagkaroon ng “lapses” sa anti-drug campaign ng pamahalaan matapos ilabas ng Department of Justice (DoJ) ang 20-pahinang detalye ng 52 drug war cases mula sa PNP na nirebyu ng departamento.
“Well, I think like any other government program, we cannot claim to be perfect. Pero ang sinasabi natin, huwag naman iyong gawain ng ilang mga bugok ay maapektuhan iyong buong programa. At saka itong desisyon ng ating DOJ, nagpapatunay nga po na ginagampanan natin iyong ating obligasyon bilang estado na kapag mayroon pong napatay ay iimbestigahan, lilitisin at paparusahan ang mga pumapatay,” ayon kay Sec. Roque.
“So, nothing is perfect and itong findings ng DOJ proves that the Philippines nga po is undertaking and performing its obligation in so far as the right to life is concerned,” dagdag na pahayag nito.
Nauna rito, sa kanyang weekly radio program, winelcome ni Robredo ang initial report ng DoJ, idinagdag nito na makapagbibigay ito ng garantiya na mananagot ang mga responsable sa drug-related killings.
“Actually, ‘di pa tapos ang imbestigasyon ng DOJ pero ang initial findings kino-confirm niya lang ‘yung alam nating matagal na maraming lapses,” ayon kay Robredo.
“Tapos ‘yung initial na nilabas na findings ‘yung sinabing pinatay kasi nanlaban. Sabi ng DOJ, walang ebidensiya na humawak ng baril, walang ebidensiya na nagpaputok ng baril gaya ng claim doon sa reports,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, sa initial findings ng DoJ, makikitang ang mga nasabing kaso ay kinasasangkutan ng mga pulis sa anti illegal drugs operations mula 2016 hanggang 2020 kung saan may namatay o nasugatan na suspek.
Naglalaman ang summary ng mga kaso ng pangalan ng mga namatay na suspek, petsa at lugar ng insidente, rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service laban sa mga police respondents at ang obserbasyon ng DOJ Review Panel.
Hindi kasama sa impormasyon ang pangalan ng mga pulis na sangkot.
Bukod sa buy-bust operations, ang mga insidente ng pagkamatay ay nangyari sa implementasyon ng search o arrest warrant.
Isa naman sa 52 kaso ay walang napaslang kundi sugatan lang ang mga suspek.
Nagpasya ang DOJ na isapubliko ang mga nasabing impormasyon para maipaalam sa pamilya ng mga namatay na suspek na dinidetermina ang posibleng kriminal na pananagutan ng mga pulis sa sirkumstanya na pumapalibot sa bawat insidente ng pagkamatay.
Umaasa ang DOJ na mahimok din ang iba pang testigo na lumantad at magbigay ng salaysay sa NBI ukol sa kanilang nalalaman sa mga nasabing kaso para sa ikareresolba nito.
Sinabi pa ng DOJ na batid nito ang importansya ng transparency sa ginagawang pagrebyu ng gobyerno sa war on drugs.
Una na ring hinimok ng UN High Commissioner for Human Rights ang DOJ na ilahad sa publiko ang findings nito sa drug war killings.
Ikinatuwa ng ilang human rights advocates at grupo ng mga abogado ang inilabas na review sa 52 drug war cases na ipinasa ng Philippine National Police – Internal Affair Services (PNP-IAS) at ginawa ng mga panel mula sa Department of Justice (DOJ).
Pero bagama’t mabuti ang naging resulta ay nakulangan ang mga ito sa datos.
Ayon sa Free Legal Assistance Group (FLAG), hindi sapat ang 52 kaso at hindi alinsunod sa obligasyon ng Pilipinas sa ilalim ng International Law.
Para naman kay National Union of People’s Lawyers chairperson Neri Colmenares, mas marami pang insidente ang nangangailangan ng mas malalim na imbestigasyon.
Resulta rin aniya ang inilabas na datos na mayroon talagang pang-aabuso sa kapangyarihan ang mga pulis sa pagsasagawa ng Anti-illegal drugs operations.
Para naman kay Human Rights Watch senior researcher Carlos Conde, malinaw sa resulta ng drug war review na may polisiya ng pagpatay na utos ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Daris Jose)
-
Go inihain ang programang Philippine National Games
INILATAG ni Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang Senate Bill No. 2001 o Philippine National Games Act sa layuning magtuluy-tuloy ang programa para sa sports. “In continue my advocacy to promote sports in the country with this bill that, I know, will further the development of our sports programs and eventually shape more […]
-
‘WPS’ (the series), napapanood na sa iba’t ibang platforms: RANNIE, hinahagisan pa rin ng panty ‘pag nagso-show
NAGSIMULA nang mapanood ang “WPS” (West Philippine Sea) na TV, Radio and Online series sa Viva One, DZRH Television and DZRH Radio. Ang ‘WPS’ ay kuwento ng pag-asa, katatagan at pagkakaisa. Sinasaliksik nito ang kapangyarihan ng pag-ibig, ang kahalagahan ng pagkakaisa, at ang di-natitinag na diwa ng isang bansang determinadong ipaglaban ang taglay nitong […]
-
Top 4 most wanted person sa Navotas, nakorner
PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/MGen. Debold Sinas ang Warrant Section ng Navotas police sa matagumpay na pagkakaaresto sa tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa lungsod sa kahabaan ng Socialite Housing, Barangay Tanza 2. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto kay Salvador Belista, 32 ng […]