• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakumbinsi ni dating PRRD na tumakbong senador: Atty. RAUL, balik sa pagpo-produce ng movie na pagbibidahan ni Sen. ROBIN

BINAHAGI ni Atty. Raul Lambino, dating producer at kumakandidato ngayon na senador sa May 2025 mid-term elections tungkol sa planong i-remake ang “Hari sa Hari, Lahi sa Lahi.”
Historical movie pala ito na pinagbidahan noon nina Vic Vargas at  Wang Hsing Gang.
Ang pelikula ay umiikot sa magandang pagkakaibigan nina Pahala at Zhu Di na ipinrodyus ni dating Unang Ginang Imelda Romualdez-Marcos sa pamamagitan ng Cultural Center of the Philippines (CCP) mula sa panulat at direksiyon ni Eddie Romero.
Si Atty. Lambino ay chairman ng Award for Promoting Philippines-China Understanding (APPCU), at naka-sentro ang kuwento ng pelikula sa magandang relasyon ng Pilipinas at China noon.
At sa pamamagitan daw ng pagre-remake ng “Hari sa Hari, Lahi sa Lahi” ay maipapaalala sa buong mundo ang magandang relasyon ng dalawang bansa bagamat may kinakaharap na territorial dispute.
Pagbabahagi pa niya nang makausap ng media sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery ni Wilson Lee Flores, may rebulto pa sa isang lugar sa China si Sultan Paduka Pahala.
Kaya naman sabi ni Atty. Lambino balak niyang mag-produce uli ng mga pelikula. Una niyang nai-produce noon ang pelikulang pinagbidahan ni Glydel Mercado.
Sinabi pa ni Atty Lambino na nakausap na nila si Sen. Robin Padilla at umoo na gagawin ang “Hari sa Hari, Lahi sa Lahi.”
Sey pa nito, handa na ang iba pang mga producer at inaayos na rin nila ang script ng movie para mas maging detalyado at magkaroon ng bagong approach sa kuwento.
“I’m being asked by the Chinese producers and talagang gusto nilang i-revive iyong pelikula. Tinanong nila ako kung sinong pwedeng the best na magbida sa pelikula? At sinabi ko na si Sen. Robin Padilla.
“He will be the best to do this because, well aside from being a good politician he’s a multi-talented awarded actor. And he is a Muslim.
“If there is one Filipino actor who understands ‘yung mga nangyari about Muslim and Sen. Robin is also a very avid historical researcher. Nag-aaral talaga,” sambit pa ni Atty Lambino.
“I’m very very impressed of Sen Robin’s intellectual capacity. Minamaliit lang kung minsan ang mga artista,” dagdag pa.
Kuwento pa niya na nagpunta si Sen. Robin sa China para pag-aralan ay alamin ang kuwento nina Sulu Sultan Paduka Pahala at China Emperor Zhu Di. Ito ay bilang paghahanda ng aktor/senador sa gagawing pelikula.
Samantala,  tumatakbong senador sa ilalim ng PDP Laban si Atty. Raul. Dati siyang Cabinet member ng Duterte administration, naging Administrator and Chief Executive Officer ng Cagayan Economic Zone Authority, at Presidential Adviser for Northern Luzon.
Kuntento siya sa buhay niya noon, pero dahil kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nangumbinse sa kanyang tumakbo at sumama sa partido, napapayag siya dahil sa layuning makapagbigay-kontribusyon sa reporma sa ating Konstitusyon.
Reaksiyon naman niya sa napabalitang Sara Duterte-Robin Padilla team-up sa 2028 elections sinabi nitong napakaaga pa para pag-usapan at bigyang-pansin ito. Unahin muna raw ang eleksiyon sa Mayo.
Nagbigay pa ng payo ni Atty Lambino, pag-isipang mabuti ng mga botante ang kanilang iboboto para makamit  ang tunay na pagbabago.
(ROHN ROMULO) 
Other News
  • Nag-react at nalungkot ang SethDrea fans: ANDREA, pumayag na maging girlfriend ni RICCI kaya mag-on na sila

    HAPPY and thankful si Tony Labrusca sa panalo ng Hello Stranger bilang Best BL Series at silang dalawa ni JC Alcantara bilang Best BL Loveteam sa Village People Awards.     Tinalo lang naman nila ang Gameboys at tandem nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas for the honor.     Sa exclusive interview namin with Tony, sinabi ng binata na unexpected daw ang panalo nilang iyon. Pero […]

  • ‘Di na makakasama si Ruru dahil sa ‘Black Rider’: Grupo nina MIKAEL, babalik sa South Korea para sa ‘Running Man PH 2’

    LILIPAD na sa isang linggo ang cast ng ‘Running Man Philippines 2’ patungong South Korea.     Si Mikael Daez mismo ang nag-announce nito sa guesting nila sa ‘All-Out Sundays’ nito lamang Linggo.     Kasama ni Mikael sa season 2 ng naturang show sina Glaiza de Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Angel Guardian at […]

  • 1,322 tumanggap ng P500 milyong OVP confidential funds walang birth records

    TULAD ni “Mary Grace Piattos”, wala umanong birth records sa database ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 1,322 tumanggap ng P500 milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP).     Ayon kay National Statistician at Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis Mapa, ito ang naging resulta ng ginawang paghahanap ng PSA bilang […]