• May 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nalaman ang sad news bago ang ‘renewal of vows’: HEART, maluwag na tinanggap ang pagkawala ng ‘baby girl’ sana nila ni Sen. CHIZ

SA interbyu ni Kuya Boy Abunda sa programang hosted by the King of Talk ay inamin ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang naramdamang kalungkutan dahil sa pagkawala ng anak nila ni Sen. Chiz Escudero. 
Itinuring na nga ni Heart na isang angel ang supposed to be panganay na anak nila.
 “Actually we are expecting a baby. I wasn’t pregnant but I was expecting.
“That time I thought that I was gonna have a baby. Akala ko mangyayari but it didn’t, “ sey pa ni Heart.
Pahayag pa rin naman ni Heart na tanggap daw naman niya na hindi nangyari ang inaasahan niya.
“It’s really hard but I am not questioning anything,” sey pa ng aktres.
Ayon pa rin naman kay Heart na maluwag din daw namang tinanggap ng asawang senador ang pangyayari.
Kumbaga God’s will daw naman yun at may mga plano pa rin naman daw si Lord para sa magiging anak nila ng asawang senador.
Kuwento pa rin naman ni Heart na nalaman na lang daw naman nila ang napakalungkot na balitang yun bago pa nangyari ang kanilang “renewal of vows “ last February 15 na ginanap sa Balesin.
May naisip na nga raw na pangalan sina Heart at Chiz sa sana’y magiging panganay anak na babae.
***
MAY ibinulong ang aming source na tuloy-tuloy na rin daw ang pagbabalik sa telebisyon ng mga tinatawag nilang Kapamilya Queens.
“Well, abangan ninyo this 2024 sa ABS-CBN studios ang pagbabalik ng mga Kapamilya Queens,” sey ng kausap naming ABS-CBN insider.  Inumpisahan na ni Judy Ann Santos ang “The Bagman” series kasama ang magaling at kasalukuyang mamba lbatas na si Arjo Atayde.
Isang presidente ang papel ni Juday.
Makakasama pa rin sa isang Kapamily serye sina Maricel Soriano, Jodi Sta. Maria, Dimples Romana at Andrea Brillantes. Nakatakdang magbabalik sa serye na rin sina Angel Locsin at Anne Curtis.
Tiyak ding magugulat at matutuwa ang mga tagahanga ng isang multi-awarded actress dahil kasalukuyang pinaplantsa na ngayon ang nakatakdang pagbabalik telebisyon ng hanggang ngayon ay pinag-aagawang aktres both sa TV at movies, huh!
It’s either daw makakasama ang walang kupas na aktres sa isang serye or magho-host ng isang once a week program.
(JIMI C. ESCALA)
Other News
  • PCG, K9 EOD, nagsagawa ng paneling inspection

    NAGSAGAWA ng paneling,inspection at iba pang security measures ang Philippine Coast Guard (PCG) K-9 Explosive Ordnance Disposal (K9-EOD) Team.   Ito ay kaugnay sa Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) sa Manila.   Ang PCG ay bahagi ng security cluster, kasama ang Philippine National Police (PNP).   Ang gobyerno ng Pilipinas sa pakikipagtulungan […]

  • Paghigpit sa pagkuha ng gun license, nonstop crackdown sa loose firearms inirerekomenda ng mambabatas

    NAIS ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na mahigpit na screening ang gawin ng Philippine National Police sa mga aplikante ng gun license kasunod na rin sa naganap na pamamaril sa isang dating mayor at dalawa pang katao sa Ateneo de Manila University.     “We have to reinforce the vetting of individuals applying for […]

  • Quiboloy pinaaaresto na ng Senado

    NAGLABAS na ng warrant of arrest ang Senado laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.     Inatasan ni Senate Presi­dent Juan Miguel Zubiri ang Office of the Sergeant-At-Arms na arestuhin at ikulong si Quiboloy sa kanilang tanggapan.     Sinabi ni Zubiri na pinatawan ng “contempt” si Quiboloy noong Marso […]