• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Namamayagpag pa rin sa Netflix… Pinoy movie na ‘Lolo and the Kid’, patuloy na umaani ng papuri

PATULOY na namamayagpag sa Netflix ang Filipino movie na Lolo and the Kid.

 

 

 

 

Kaugnay nito, patuloy din itong umaani ng papuri at iba’t ibang reaksyon mula sa viewers.

 

 

 

 

Sa social media, mababasa at mapapanood ang ilang review at komento ng mga Pinoy tungkol sa palabas.

 

 

 

Ngunit bukod sa mga Pinoy, tila hook na hook rin ang ilang international viewers sa heart melting story ng Lolo and the Kid.

 

 

 

Ilan sa kanila ay nag-upload ng videos sa TikTok, kung saan mapapanood ang kanilang crying moments habang pinapanood ang Filipino film.

 

 

 

Ang Pinoy na si @neymarchael, ipinakitang naiyak ang kaniyang girlfriend na isang Korean nang mapanood nito ang pelikula.

 

 

 

Sulat niya sa caption ng kaniyang post sa Tiktok, “I didn’t expect her reaction about the movie.”

 

 

 

Ang netizen naman na si @Ashley, mapapanood na may kasamang umiiyak habang pinapanood ang last part ng pelikula.

 

 

 

Sulat niya, “POV: You’re watching another Filipino drama film with us and feel all the feels by allowing yourself to ugly cry during the last [five] minutes of the movie.”

 

 

 

Ang Lolo and the Kid ay pinagbidahan ng award-winning Filipino actors na sina Joel Torre at Euwenn Mikaell.

 

 

 

Tampok din dito ang singer-actor na si JK Labajo na gumanap bilang binatang version ng karakter ni Euwenn.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

 

Other News
  • Marcos Jr., binati ang ‘BFF’ na si Sara Duterte ng ‘happy birthday’

    TINAWAG ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio na kanyang “BFF”, kasabay ito ng pagdiriwang ng huli ng kanyang ika-44 kaarawan.     Ang BFF ay nangangahulugan na “Best Friend Forever.”     “Happy Birthday Mam Vice President!” ang pahayag ni Marcos sa kanyang Facebook post.     “Cheers to the best […]

  • NAIA nilagyan ng TNVS hub

    NILAGYAN ang metered taxis at ride-hailing services ng isang dedicated hub sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.       Naglalayon ang transport network vehicle service (TNVS) hub na maging maganda at maayos ang daloy ng trapiko sa pamamagitan ng pagbabawas ng curbside congestion sa drop-offs at pick-ups sa NAIA Terminal 3.   […]

  • Toll rates para sa Skyway 3, inilabas na ng TRB

    Nag-isyu na ng aprubadong toll rates ang Toll Regulatory Board (TRB) na sisingilin sa mga motorista na gagamit ng Skyway Stage 3 elevated expressway.     Kasunod ito ng anunsiyo ng San Miguel Corporation (SMC) na simula sa Hulyo 12 ay magsisimula na silang maningil ng toll fee para sa Skyway 3.     Ayon […]