NAMARIL NA PULIS MAYNILA, PINAGHAHANAP
- Published on November 25, 2020
- by @peoplesbalita
PINAGHAHANAP ng Manila Police ang kanilang kabaro matapos na umano’y barilin ang isang lalaki na nagresulta sa kanyang kamatayan at pagkakasugatn ang isa pa sa Tondo Maynila kahapon ng madaling araw.
Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Joseph Marga, 32, binata, elevator installer at residente ng Blk.6 JP Rizal St., Tondo; habang sugatan ang kasama nitong si Mark Lester Quinones,28,binata at residente rin sa nasabing lugar.
Pinaghahanap naman ang suspek na pulis na si Pat Alvin Santos, na nakatalaga sa MPD Station 3-Sta.Cruz Station.
Sa imbestigasyon, naglalakad umano ang mga biktima nang makasalubong ang suspek na lasing at sinabihan ang mga biktima na aarestuhin.
Sumagot umano si Marga na nakatira lamang ito sa nasabing lugar na hindi umano nagustuhan ng suspek kaya agad bumunot ng baril at pinaputokan ang mga biktima.
Dahil sa pangayayari, inatake naman ng mga bystanders at kamag-anak ng mga biktima ang suspek dahilan para maiwan ang kanyang baril habang siya naman ay tumakas.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng follow up operation ang mga kabaro ng suspek upang panagutan ang ginawang krimen. (GENE ADSUARA)
-
LIBRENG SAKAY
LIBRENG SAKAY: Naghandog ng Libreng Sakay ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon para umalalay sa mga commuters na ma-stranded o walang masakyan dulot ng masamang lagay ng panahon na dala ng Bagyong Kristine. Pinaalalahanan din ng pamahalaang lungsod ang lahat na mag-ingat at nakahanda naman itong umalalay sa lahat ng pangangailangan. (Richard Mesa)
-
LRT 1 Cavite Extension Phase 2 mababalam ang konstruksyon
IBINALITA ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaron ng pagkaantala ang ginagawang konstruksyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) Cavite Extension Phase 2 dahil sa may problema sa nakatayong flyover sa lungsod ng Las Pinas. Mababalam din ang pagtatayo dahil sa kailangan pa ng karagdagang P1 billion sa pondo nito upang mabigyan solusyon ang […]
-
Nakaka-touch ang pinost sa FB at IG: LOTLOT, labis-labis ang pasasalamat sa espesyal na award mula sa ‘The 5th EDDYS’
DAHIL hindi siya nakadalo sa mismong awards night ng The 5th EDDYS ay sinigurado ni Lotlot de Leon na makapunta sa Christmas Party ng SPEEd (Society of Entertainment Editors) nitong December 1 sa Dapo Restaurant sa Quezon City. Deadma sa ulan that night ay umapir si Lotlot sa napakasayang party ng SPEEd kung saan […]