Namataang Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef hindi magiging dahilan na maulit ang 2012 Scarborough Shoal standoff- Sec. Roque
- Published on March 24, 2021
- by @peoplesbalita
KUMBINSIDO ang Malakanyang na ang di umano’y naispatan na Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef (Union Reefs) sa West Philippine Sea ay hindi magiging dahilan para maulit ang 2012 Scarborough Shoal (Bajo de Masinloc o Panatag) standoff.
Higit 200 Chinese maritime militia vessels kasi ang natuklasang namamalaot sa isang bahagi ng West Philippine Sea.
Batay sa report ng Philippine Coast Guard, na ipinadala sa National Task Force for the West Philippine Sea, tinatayang 220 maritime militia vessels ng Beijing ang naka-angkla sa Julian Felipe Reef noong March 7.
Tiwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na mapipigilan ng matibay na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at China na mangyari muli ang naturang insidente.
“I don’t think so po dahil mayroon po tayong malapit na pagkakaibigan. Lahat naman po ay napag-uusapan sa panig ng mga magkakaibigan at magkapit-bahay , ayon kay Sec. Roque.
Samantala, ipinaubaya na ng Malakanyang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkilos sa usapin nang pagpasok ng nasa 220 militia vessels ng China sa Julian Felipe Reef na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ang katuwiran ni Sec. Roque, nakatuon ang kanilang pansin sa COVID-19 pandemic.
Kinumpirma ni Sec. Roque na naghain na ng diplomatic protest si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, kagabi, Marso 21.
“Well, naprotesta na po ‘yan ng DFA matapos makumpirma ni National Security Adviser Hermogenes Esperon,” ayon kay Sec. Roque.
“Hinahayaan ko muna sa kanila. Nakatutok po tayo sa COVID,”
-
Alden, wish na makahanap na ng mag-aalaga sa kanya
ANG makahanap ng may mag-aalaga naman sa kanya ang isa sa nilu-look forward na talaga ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa pagpasok ng bagong dekada ng career niya. “May nag-aalaga naman sa akin, of course, pero siyempre, iba yung personal talaga, yun po, yun naman siguro ang magiging priority ko […]
-
Makabuluhan ang selebrasyon dahil nakapiling ang mga magsasaka: SHARON, inamin na best wedding anniversary nila ito ni Sen. KIKO
SUNOD-SUNOD ang naging Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta yesterday, April 28 na kung saan sini-celebrate ang 26th wedding anniversary nila ni Sen. Kiko Pangilinan na tumatakbong Vice President at ka-tandem ni VP Leni Robredo na bilang President naman. Unang post ni Mega kasama ang two wedding photos nila, “Happy 26th Wedding Anniversary […]
-
Mga unvaccinated na nagkakasakit, mas anti-life at anti-poor kaysa ‘no-vax-no-ride’- DOTr
PINALAGAN ng Department of Transportation (DOTr) ang turing ng ilang sektor na anti-poor at anti-life ang kautusan nito na “no vax- no ride” o pagbawalan ang mga unvaccinated individuals mula sa pagsakay sa public transportation sa National Capital Region (NCR) habang ang lugar ay nasa ilalim ng Alert Level 3. “Mas anti-poor at […]