• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nambu-bully, paparusahan ng Comelec

PAPARUSAHAN ng Commission on Elections ang mga nambu-bully, nagdidiskrimina sa mga kandidato at tagasuporta sa panahon ng kampanya para sa mga national local aspirants.

 

Sa Resolution 11116 na ipinahayag noong Miyerkules, binanggit ng poll body na ang mga gawain ng pananakot sa kababaihan at ilang sektor sa panahon ng kampanya ay maituturing na isang paglabag at maaring maging isang election offense.

 

Sa kabilang banda, sinabi ni Comelec chairman George Garcia  na ang guidelines ay inilabas upang matiyak na magiging patas at walang diskriminasyon ang kampanya.

 

Ang panahon ng kampanya para sa mga pambansang posisyon ay nagsimula noong  Peb. 11 habang ang mga tumatakbo para sa mga lokal na posisyon ay magsisimula ng kanilang kampanya sa Marso 28.

 

Magtatapos ang campaign period sa Mayo 10.

 

Ipinaliwanag ni Garcia na ang pagpapalabas ng resolusyon ay bahagi ng kapangyarihan ng poll body.

 

Sinabi rin ni Garcia na , umaasa siyang maghahain ng kaso ang mga tao laban sa mga violators at hindi na hintayin na magsampa sila ng mga kaso ng motu propio. (Gene Adsuara)

Other News
  • Mastermind sa likod ng P2.7B shabu shipment mula at iba pang drug smuggling cases na dumaan sa Port of Manila, busisiin

    MASUSING pinabubusisi ni House Minority Leader Marcelino Libanan sa Department of Justice (DOJ) ang mastermind sa likod ng P2.7-billion shabu shipment mula Karachi, Pakistan, na naharang sa Manila nitong nakalipas na Enero. “We urge the DOJ to strengthen its pursuit of the real masterminds behind this recent drug smuggling operation, as well as all previous shabu […]

  • Timothée Chalamet Will Play an Oddball Sports Legend in This New Biopic

    AFTER starring as Bob Dylan in A Complete Unknown, Dune star Timothée Chalamet is in talks to play a New York City icon of a different kind.  He is currently circling the role of legendary ping pong champion Marty Reisman in Marty Supreme. According to Variety, Josh Safdie will direct the film for A24. Chalamet is in final talks to star as Reisman, who started out as a […]

  • Pamilyang Pinoy na dumanas ng gutom, nabawasan – SWS

    NABAWASAN ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan   Batay sa March 2023 survey ng Social Weather Station (SWS), 9.8% na mga pamilyang Pinoy o katumbas ng 2.7 milyong katao ang nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan.   Higit na mas mababa ito sa […]