Nang makitang sobrang cute ni Maria; MAJA, game na game na mabuntis kahit sobrang nahirapan
- Published on March 30, 2025
- by @peoplesbalita
ANIM na buwan namalagi si Maja Salvador sa Canada before, during and after niyang maipanganak ang baby nila ng Mister na si Rambo Nuñez na si Maria Reanna.
Sobrang nahirapan si Maja sa panganganak kaya parang payag si Rambo kung hindi na siya mabuntis muli. Pero sey ni Maja, nang makita raw niya ang anak na ang cute, game pa siya.Pero malabo itong mangyari ngayon dahil balik sa pagiging host at actress si Maja sa mga pinirmahan niyang per project contract sa TV5.“Gusto ko na sundan, kasi 37. Eh, pumirma ako ng kontrata, bawal pa pala. Siyempre magwo-work muna ako.“So, kahit gusto kong sundan kaagad, e, magwo-work na lang muna ako kasi na-miss ko din naman po.”Posibleng middle of 2026 na raw nila susundan si Maria, pagkatapos ng mga natanguan niyang commitments sa MediaQuest at TV5.Gagawin ni Maja ang Season 5 ng Emojination na si Chad Kinis na ang co-host niya, dance show na Isayaw Mo, isang teleserye, at posieng isang pelikula.At ang pasabog ni Maja, ang pagbabalik ng kaseksihan niya nang i-welcome siyang muli ng Beautéderm President and C.E.O. na si Ms. Rhea Anicoche-Tan. Limang taon na siya mabuntis muli Maja na ambassador ng Beautéderm as Blancpro face.At muli nga siyang nag-renew. Hindi nakapagtataka dahil ibang level na rin ang closeness nilang dalawa.Sabi nga ni Ms. Rei na “manang” kung tawagin ni Maja at madalas tawagan kahit noong nakapanganak na, ang kabutihan daw ng puso nito ang pinakagusto niya.“Yung pagiging pure ng heart niya ang pinakagusto ko sa kanya. I consider myself fortunate to have made genuine friends in the entertainment industry. Outside of work, ang pinag-uusapan namin ang anak niya, si Maria. Proud ako na isa ako sa unang nakakita.“She deserves a good family life, and I believe she is an encouragement to any woman who wish to start a family.”Para kay Maja naman, malaki raw ang nahuhugot niya kay Ma. Rei sa tuwing kausap niya ito.(ROSE GARCIA)
-
Utang ng bansa, lumobo pa sa P15.35T
INIULAT ng Bureau of Treasury na lumobo pa ang utang ng Pilipinas sa P15.35T as of May ng kasalukuyang taon. Ayon sa ahensya, ang kabuuang utang ay tumaas ng P330.39 bilyon o katumbas ng 2.2 percent sa katapusan ng April 2024. Ito ay dahil na rin sa epekto ng […]
-
Banggaan ng 2 sasakyan pandagat, tinugunan ng PCG
SINAKLOLOHAN ng Coast Guard Station (CGS) Central Palawan sa banggaan na kinasasangkutan ng hindi pa nakilalang sasakyang pandagat at MBCA Jerrylyn sa humigit-kumulang 12 nautical miles silangan sa Canigaran Beach, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City, Palawan. Sa ulat, nasagip ng Coast Guard Search and Rescue (SAR) team ang dalawang pasahero ng MBCA Jerrylyn na […]
-
Pagsulong ng VAT Exemption tuluy-tuloy upang makatulong sa bawat Pilipino
ITINUTULAK ni TALINO AT GALING PINOY (TGP) party-list Rep. Jose Teves Jr. ang pagpasa ng isang batas na mag-aalis sa pagpataw ng Value-Added Tax (VAT) sa mga lahat ng uri ng gamot, generic o branded man, upang makatulong na maibsan ang bawat Pilipino sa sobrang taas na halaga ng mga gamot. Aniya, pangatlo ang Pilipinas […]