Nang malamang na-damage ang bike frame: ALDEN, sobrang bad trip kaya napa-shout out sa airline
- Published on June 24, 2025
- by @peoplesbalita

At dahil sa sobrang pagka-bad trip at napa-shoutout ang award-winning actor sa kanyang Instagram at Facebook sa isang airline company para iparating ang nangyari sa kanyang bike.
Kahapon, June 23, ipinost nga ni Alden ang larawan ng bike frame na makikitang may crack na.
“This is very upsetting,” caption ng Kapuso actor sa kanyang post.
“Shoutout to [Cathay Pacific] for fracturing my bike frame and unloading my bikebox and bike rack on my home to the Philippines,” say ni Alden.
Dagdag pa niya, “Please do something about this.”
Marami naman ang nag-comment sa post ni Alden at nakaka-relate daw sikla sa naturang pangyayari.
Samantala, nakarating ito na sa Cathay Pacific at ayon sa kanilang representative, under investigation na ang nangyari sa bike frame ng aktor.
Abangan na lang natin ang statement na kanilang ilalabas.
***
SPEEd nag-donate sa isa sa pinakamatandang simbahan, naghatid ng pasalubong sa mga bata sa Kalayaan
HINDI naging hadlang ang malakas na buhos ng ulan para makapaghatid ng donasyon at saya ang SPEEd (Society of Phil. Entertainment Editors), samahan ng mga entertainment editor sa Pilipinas, na binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals, sa pinaka-matandang simbahan sa Laguna at humigit-kumulang na 150 kabataan sa ginanap na ‘SPEED Cares Outreach Program’ nu’ng Linggo, Hunyo 22, sa Longos, Laguna.
Ang Saint John the Baptist Parish Church, na kilala bilang Longos Church, ay ang pinakamatandang simbahang Katoliko sa bayan ng Kalayaan sa Laguna. Sa kalukuyan ay 355 years old na ito na tuluy-tuloy ang isinasagawang restoration at pagpapaganda.
At isa sa mga hindi pangkaraniwang katangian ng simbahan ay ang Botafumeiro, isang swinging thurible na nakasabit sa malalaking metal na arko na may nakasulat na mga bersikulo mula sa awit ni Zacarias.
Mainit ang pagtanggap sa SPEEd ng parish priest ng St. John The Baptist na si Rev. Fr. Christian Abao at ng grupong CWL, gayundin sa kanilang pag-alalay para maging maayos at organisado ang naturang outreach program.
Kitang-kita sa mga mata ng mga bata, kasabay ng napakatamis na ngiti at taos-pusong pasasalamat, ang kanilang walang kapantay na saya at kasabikan habang tinatanggap ang mga damit, laruan, biscuits at prutas na dala-dala ng mga officers at miyembro ng SPEEd.
Maliit na bagay para sa mga taong nakaaangat sa buhay, ngunit para sa mga batang ito na kasama pa ang kanilang mga magulang na matiyagang pumila para sa mga pasalubong ng SPEEd, malaking tuwa ang hatid nito sa kanilang puso na nag-iwan din ng marka sa kanilang isip sa kahalagahan ng pagbibigay, pagbabahagi ng ating mga biyaya at pakikipagkapwa-tao.
Habang ang cash donation ng grupo para sa simbahan ay magagamit sa mga kinakailangan nilang ipagawa upang mas tumibay pa ang pundasyon ng simbahan.
Sa tulong at suporta ng ilang grupo at personalidad tulad nina Biñan, Laguna Cong. Len Alonte, Bebot Santos ng Colorete Clothing, Moises Fernandez & friends, Geraldine Jennings, LVD Management, Inc. at Federation of Filipino Chinese Chambers Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), matagumpay na nairaos ang SPEEd Cares sa St. John The Baptist sa Kalayaan, Longos, Laguna.
Ang SPEEd ay kasalukuyang pinamumunuan ni Ms. Salve Asis at ngayon ay nasa ika-10 taong na.
Samantala, ihahatid ng SPEED ang ika-8 edisyon ng Entertainment Editors’ Choice Awards o The EDDYS, na gaganapin sa July 20, Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts.
Magkakaroon ito ng delayed telecast ito simultaneously sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at iWantTFC.
(ROHN ROMULO)