• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nangakong gagawa na ng teleserye… MARIAN, inaming gusto pa rin nila ni DINGDONG na magkaanak pa

AFTER ng first wedding ni Kapuso Drama Royalty na si Glaiza de Castro sa husband niyang si David Rainey, a businessman from Northern Ireland last October 12, 2021, muli silang ikinasal this time dito naman sa Pilipinas.  

 

 

Iyon kasi ang kasunduan nila, na mauuna silang ikasal sa Ireland, bago ganapin ang wedding naman nila sa Pilipinas, para makadalo ang mga relatives and friends ni Glaiza.

 

 

Ang ganda at ang sexy ni Glaiza sa napakagandang white modern Filipiniana wedding gown, na ginanap nila sa isang magandang private beach sa Olongapo, Zambales.

 

 

Kung noon ay immediate family lamang ni David ang dadalo, dumalo rin ang mga close friends nito, na ipinagpatahi rin ni Glaiza ng Filipino costumes.

 

 

Dumalo naman ang mga close friends ni Glaiza tulad ni Angelica Panganiban, at complete ang mga kasama niya sa GMA Korean adaptation ng “Running Man Philippines”  na sina Mikael Daez, Ruru Madrid, with girlfriend Bianca Umali; Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian and Buboy Villar.

 

***

 

 

GUSTO pa rin ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, kung ipagkakaloob ni Lord, na magkaroon pa sila ng third child.

 

 

Pero kung hindi na, wala na silang mahihiling pa sa ibinigay na sa kanila, ang 7-year-old daughter nilang si Zia at ang 3-year-old-son na si Sixto or si Ziggy.

 

 

Isa ito sa napag-usapan nina Marian, ang first guest ni Boy Abunda sa kanyang “Fast Talk with Boy Abunda.”

 

 

Una pa ngang tanong kay Marian ni Boy, kung magkakaroon muli sila ng anak ni Dingdong, boy or girl ba ang gusto niya, sagot ni Marian, “both.”

 

 

Sa tanong kung hindi na ba siya gagawa ng teleserye sa GMA-7, “meron, and this year, 2023, promise ko, na gagawa ako ng teleserye.”  Tiyak na ngayon pa lamang eagerly waiting na ang mga fans ni Marian, dahil since isilang niya si Zia, hindi pa muli siya nakagawa ng serye, maliban sa every Saturday, napapanood siyang host ng documentary on OFW’s, ang “Tadhana.”

 

 

Napapanood ang “Fast Talk with Boy Abunda,” daily, 4:05 – 4:25 pm after “Unica Hija.”

 

***

 

 

MGA close friends from showbiz ni Julie Anne San Jose, sina Michelle Dee at Ina Feleo, ang gustong ipasok ang Limitless Star, sa beauty contest.

 

 

Taglay daw nito ang beauty, talent at kaseksihan, at pasadong-pasado siya para sumali sa isang beauty contest.  Ayon kay Michelle, kayang-kaya raw sumali ni Julie Anne sa Binibining Pilipinas.

 

 

Pumayag kaya si Julie?  Sa ngayon kasi, Julie will turn 29 na on May 17, 2023.

 

 

At mukhang puno ang schedules niya dahil bukod sa on-going na ngayon ang “The Clash 5,” na Panel Hosts sila ng boyfriend niyang si Rayver Cruz, nagsimula na rin silang mag-shoot ni Rayver ng kanilang first movie together at first movie rin ng GMA Public Affairs na “The Cheating Game,” na plano nilang isama sa coming first Summer Metro Manila Film Festival, this year 2023.

 

 

Tamang-tama namang matatapos na ang airing ng historical fantasy portal series ng GMA-7, ang “Maria Clara at Ibarra,” nina Barbie Forteza, Julie at Dennis Trillo, this coming February.  Kaya don’t miss ang lalong gumagandang episodes ng “Maria Clara at Ibarra,” na napapanood at 8PM, after ng “24 Oras.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Matapos ang mahalagang partisipasyon sa WEF: PBBM, balik-Pinas na

    NAKABALIK na ng Pilipinas si Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., araw ng Sabado matapos dumalo sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.     “I am pleased with the progress we have made during our crucial participation in the World Economic Forum (WEF), a truly global multi-stakeholder platform,” sa kanyang naging talumpati sa Villamor Air […]

  • Bulacan, kaisa ng bansa sa paghubog ng mga susunod na lider

    LUNGSOD NG MALOLOS – Sa pakikibahagi sa bansa sa obserbasyon ng Linggo ng Kabataan 2022 nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng isang linggong aktibidad para sa mga kabataang lider na edad 13 hanggang 17 taong gulang na kabilang sa Boy/Girl Officials 2022 upang […]

  • Ads August 4, 2023