Naniniwala ang Malakanyang: National Rally of Peace ng INC, mapayapa, matiwasay at makabuluhan- Bersamin
- Published on January 14, 2025
- by Peoples Balita

“Higit sa lahat, umaasa kami na ang mga ipapahayag na mga opinyon ay makakatulong sa paglilinaw sa mga usaping kinakaharap ng ating bansa at maghahatid sa atin sa tunay na pagkakaisa na ating inaasam,” ayon kay Executive Secretary Lucas P. Bersamin.
“Sa pagkilatis at pakikinig lamang sa lahat ng panig sa isang usapin ang siyang magdudulot ng kalinawan na ating hinahanap,” aniya pa rin.
Sinabi pa rin ni Bersamin na ang mapayapang pagtitipon ay maituturing na ‘bedrock right’ na ginagarantiya ng Saligang Batas, itinatangi ng mga tao at patuloy na itinataguyod ng administrasyong Marcos.
Kaya nga ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay inaatasan na huwag hadlangan ang karapatan na Iglesia ni Cristo na ipahayag ang kanilang saloobin.
“In this light, agencies concerned with the maintenance of peace and order, as well as with traffic and transportation management, including emergency health services, should be ready to provide assistance whenever such is needed by their fellow citizens,” ang sinabi pa rin ni Bersamin.
Para sa Malakanyang, ang pagtitipon ngayong araw ay bahagi ng ‘national conversation’ na dapat ay mayroon ang lahat bilang tao upang magbigay ng kalinawan at consensus sa mga usapin na kinahaharap ng lahat at nakaaapekto sa hinaharap.
Magugunitang kinansela ng Malakanyang ang pasok sa paaralan at opisina sa lungsod ng Maynila at Pasay dahil sa gaganaping kilos protesta. (Daris Jose)
Other News
-
Back-riding na mag-asawa puwede na sa motorcycle
Simula noong Biyernes, July 10 ay pinayagan na ng pamahalaan ang pagsakay ng mag-asawa sa motorcycle subalit kinakailangan silang sumunod sa mga health standards na pinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF). Isa sa mga mandatory health requirements ay ang paglalagay ng body shields sa pagitan ng driver […]
-
Ads March 6, 2020
-
Ads June 26, 2021