• May 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Napa, 3 iba pa kabyos sa Summer Olympic Games

MINTIS ang tatlo katao pambato ng bansa na nakipag-agawan sa dalawang puwesto para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na na-move lang sa parating na Hulyo 23-Agosto 8.

 

 

Sa pagwawakas ito ng 2021 Mussanah Open Windsurfing Championships-Asia Olympic Qualifer sa Millennium Resort sa Oman.

 

 

Pumangalawa si Charizzanne Jewel Napa sa RS:X women’s division na pinamayagpagan ni Amanda Ng Ling Kai ng Singapore na may 15.0 points laban sa 18.0 ng Pinay upang pumalaot sa quiadrennial sportsfest.

 

 

Sawimpalad din ang pumangalawang si Yancy Kaibigan (31.0) at pumangatlong si Geylord Coveta (56.0) sa RS:X men’s division na kinopo ni Natthapong Phonopparat ng Thailand na naka-14.0 markers sa 12 races din. (REC)

Other News
  • Pinag-uusapan ang kissing scenes sa ‘Unbreak My Heart’: JOSHUA, malaki ang pasasalamat sa pagtitiwala nina GABBI at JODI

    SA guesting ni Joshua Garcia sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, ikinuwento ng Kapamilya actor kung papaano nila pinaghandaan ni Jodi Sta. Maria ang kanilang torrid kissing scenes sa inaabangang drama series na “Unbreak My Heart” na first-ever collaboration ng GMA Network, ABS-CBN Entertainment at Viu.     Hindi naman first time na […]

  • Abalos, nagpahayag ng pakikiisa sa Myanmar, Thailand; nanawagan ng pagsusuri at pag-update ng protocol para sa ‘big one’

    NANAWAGAN si senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na muling suriin ang umiiral na protocol ng pamahalaan sa pagtugon sa “Big One” sa Metro Manila habang ipinapahayag niya ang pakikiisa sa mga mamamayan ng Myanmar at Thailand matapos ang 7.7 magnitude na lindol na tumama sa dalawang bansa. Ayon kay Abalos, dapat paghandaan ng pamahalaang Pilipino […]

  • PDu30, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga sundalong namatay sa pag-crash ng helicopter sa Bukidnon

    NAGPAABOT ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamilya at mahal sa buhay ng mga sundalong namatay matapos mag-crash ang isang helicopter sa Sitio Balonay, Impasugong, Bukidnon kamakalawa. Sinabi ng Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi na nais sana niyang puntahan ang mga ito sa pag-aakalang nasa iisang kampo lamang subalit nalaman niya […]