Napunit ang Achilles heel sa shoot ng movie: Sen. BONG, humingi ng dasal sa publiko dahil baka maoperahan
- Published on April 18, 2024
- by @peoplesbalita
SA kanyang Facebook live ay humingi ng dasal si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa publiko dahil baka maoperahan.
Napunit kasi ang kanyang Achilles heel sa shoot ng entry niya para sa Metro Manila Film Festival, ang Alyas Pogi 4.
May eksena kasi na tumakbo siya ng ubod nang bilis kaya ayun, napunit ang kanyang Achilles heel.
Lahad ng Senador, “Yung aking Achilles tendon e medyo may partial tear kaya kailangan ng operation.
“First day ko ng Alyas Pogi 4, kasama si Ara Mina at Epy Quizon. You know, may mga pangyayari na hindi mo maiiwasan kaya mangyayari talaga yun.
“Basta importante, ipagdasal nyo po na hindi naman ganoon grabe.
“Pero na-MRI na po ako kanina at sinabi nga ng doktor na fifty percent ng aking Achilles heel, e, na-tear dahil sa pagtakbo. Dahil sa sobrang bilis ko raw tumakbo.
“Yun ang sinasabing na hindi na tayo bumabata, tumatanda na, but I am okay.
“Yun nga lang, yung healing time, medyo matagal-tagal. After the operation, medyo three to five months ang healing.”
Sasailalim sa mga tests si Senator Bong upang malaman kung kailangan siya operahan at kung kailan.
Inis siya siyempre dahil tiyak na magugulo ang kanyang schedule bilang artista at pulitiko dahil sa pagkakaospital niya.
Mabuti na lamang at nakumpleto ni Senator Bong ang taping niya para sa season 2 ng ‘Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis’ bago nangyari ang insidente.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
P28 bilyon gagastusin sa national election, plebisito sa Cha-cha
AABOT sa P28 bilyon ang gagastahin ng pamahalaan kung isasagawa ng magkahiwalay ang pambansang halalan at plebisito sa Charter change (Cha-cha). Sinabi ni NEDA Undersecretary for Legislative Affairs Krystal Lyn Tan Uy sa pagharap nito sa pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments and Revision of Laws kaugnay sa panukalang amyendahan ang 1987 […]
-
Para maka-move on na at ang ibang tao: CARLA, naging open na pag-usapan ang divorce nila ni TOM
NAGING open na si Carla Abellana na pag-usapan ang tungkol sa divorce nila ng ex-husband na si Tom Rodriguez. Sey ng bida ng ‘Stolen Life’, kasalukuyang nasa korte na ang petition para sa divorce of marriage nila dito sa Pilipinas. Dahil American citizen si Tom, divorce ang na-grant sa US. […]
-
SWP tumubo lang na parang kabute
ISYU pa rin sa kasalukuyan ang paglahong parang bula bago natapos ang 2018 ng national sports association (NSA) sa weightlifting o ang Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI) At ang pagsulpot na parang kabute ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP). May ilang araw, linggo at buwan ko na pong naulinigan ang isyu na sa […]