• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nasa listahan ng red list sa Pilipinas hanggang October 15

INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na ipapatupad nila ang resolusyon ng Inter-Agency Council for the Management of Emerging Infections Diseases (IATF) ang updated na listahan ng mga red, yellow at green na mga bansa.

 

 

 

Ang nasabing resolusyon na aprubado ng Malacanang ay ang mga bansa na kabilang sa kategorya na maari at hindi maaring pumasok sa bansa

 

 

 

Ang Bermuda ang tanging bansa na nasa Red List habang may 49 pang bansa ang nasa Green List. Ang nasabing klasipikasyon at mananatili hanggang October 15.

 

 

 

Ang mga bansa na nasa listahan ng Green List ay ang American Samoa, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China (mainland), Comoros, Republic of the Congo, Djibouti, Falkland Islands (Malvinas), Hungary, Madagascar, Mali, Federated States of Micronesia, Montserrat, New Zealand, Niger, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Pierre and Miquelon, Sierra Leone, Sint Eustatius, Taiwan, Algeria, Bhutan, Cook Islands, Eritrea, Kiribati, Marshall Islands, Nauru, Nicaragua, Niue, North Korea, Saint Helena, Samoa, Solomon    Islands, Sudan, Syria, Tajikistan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Uzbekistan, Vanuatu, at Yemen.

 

 

 

Ayon sa resolusyon, ang iba pang bansa na hindi napasama sa listahan ay kabilang na sa Yellow List.

 

 

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na ang pagkakaiba ng tatlong klasipikasyon ay “Classified under the yellow list are those countries, jurisdictions, and territories that the IATF deem as ‘moderate risk’,” ayon kay Morente.

 

 

 

Ang mga galing sa Green at Yellow na mga bansa ay kabilang sa mga “allowable classes”, na maari silang pumasok subject sa quarantine at testing protocols, na ipinapatupad ng Bureau of Quarantine (BOQ).

 

 

 

Gayunman sinabi ni Morente na ang mga dayuhan na nagmula sa green at yellow list ay hindi awtomatikong kuwalipikado na pumasok sa bansa.

 

 

 

“Only Filipinos, balikbayans, and foreigners with valid and existing visas that would be coming from countries under the green or yellow list may be allowed to enter the Philippines,” ayon kay Morente.  GENE ADSUARA

Other News
  • DANIEL, muntik nang masilipan at buti na lang maagang napansin ni ZANJOE

    KINAAALIWAN nang maraming netizen ang isang Twitter video kunsaan muntik nang masilip si Daniel Padilla.     Sa Twitter account na @daks_padilla, makikita sa uploaded video ang aktor na si Daniel Padilla na naka-shorts at tahimik na nakaupo at medyo nakabukaka ang mga binti nito.     Biglang tinapik siya ng aktor na si Zanjoe […]

  • Resolusyon sa pagpapaliban ng implementasyon sa cashless toll payment hanggang Enero 1, 2021, pinagtibay ng komite

    Pinagtibay sa isang online na pagdinig ng House Committee on Transportation ang House Resolution 1367 na humihiling Department of Transportation (DOTr) na pansamantalang ipagpaliban ang implementasyon ng cashless toll payments sa pamamagitan ng Radio Frequency Identification (RFID) System hanggang Enero 1, 2021.   Inihain ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo ang resolusyon matapos na isulong […]

  • Fil-Am actor Brandon Perea is extreme meteorologist Boone in epic disaster film “Twisters”

    AFTER his starring in the sci-fi saga The OA, and his big-screen breakout in Jordan Peele’s critically acclaimed horror film Nope, Brandon Perea chases storms along with Tyler Owen (Glen Powell) as Boone in Twisters. A modern chapter to the 1991 blockbuster, Twister, the new epic adventure follows a group of storm chasers as they […]