• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nasa South Korea para sa upcoming ‘Charity Exhibition fight’: MANNY, nag-guest sa original na ‘Runnning Man’ at hindi sa Pinoy adaptation

NAPABALITANG maggi-guest si dating Senator at Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa “Running Man Philippines” na adaptation ng Korean variety show.  

 

 

Every weekend kasi na napapanood sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Castro, Angel Guardian, Lexi Gonzales at Buboy Aguilar, lagi rin silang may special guests sa show, kaya hindi kataka-takang mag-guest ang boxing champion.

 

 

Pero hindi pala sa local adaptation siya maggi-guest, nang mag-post siya sa kanyang Instagram nang nasa Korea na siya, kasama ang wife niyang si Jinkee Pacquiao.  

 

 

Naroon siya para mag-promote ng upcoming Charity Exhibition fight niya with Korean Martial Artist na si DK Yoo, na magaganap sa Seoul, South Korea on December 11. For the 43-year old boxing legend, ang kanyang exhibition fight daw ang magiging comeback niya to the ring, after the 2022 election.

 

 

Since nasa South Korea na si Manny, nag-guest nga siya sa original na “Running Man” variety show, at sa isa pang show, ang “Knowing Brothers” na nakasama pa niya si Sandara Park.

 

 

Nagti-training ngayon si Manny with his coach-trainer Buboy Fernandez, hindi for a world champion fight kundi sa isang exhibition game niya for charity.

 

 

Ang proceeds daw ng kikitain niya ay ibabahagi niya sa mga kababayan niyang mahihirap na walang makain at matirahan, at para rin maitulong niya sa pagpapa-aral ng mga bata sa kanilang probinsiya.

 

 

                                                            ***

 

 

NANG matapos ang season 2 ng “Prima Donnas” nina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo, humihirit pa ang mga netizens ng another season.

 

 

Pero, hindi muna pinagbigyan ng production ang wishes nila, sa halip ay binigyan muna sila ng chance para makagawa ng kani-kanilang solo projects ang tatlo, ganundin si Elijah Alejo, ang kontrabida ng mga Prima Donnas.

 

 

Si Sofia ay nagkaroon ng romantic fantasy series na “Raya Sirena” with ka-love team Allen Ansay at very soon ay mapapanood na rin ang bagong  series na “Luv Is: Caught in  His Arms” from GMA Network and Wattpad, kasama ang Sparkle GMA Artist Centre’s “Sparkada.”

 

 

Top-rating Afternoon Prime naman ng GMA ang “Abot-Kamay na Pangarap” ang pinangunahan ni Jillian, kasama niya sina Carmina Villarroel, Richard Yap, Dominic Ochoa at Andre Paras, na napapanood Mondays to Saturdays at 2:30 pm, after “Eat Bulaga”.

 

 

Si Althea naman, ay sunud-sunod ang mga paggi-guest sa iba’t ibang shows ng GMA, at very soon ay tampok din sa isang drama series.

 

 

Si Elijah naman ay kasalukuyanng naka-lock-in taping ng ibinabalik ng GMA na dating movie ng Regal Films, ang “Underage” na makakasama niya sina Lexi Gonzales at Hailey Mendes.

 

 

                                                            ***

 

 

INI-LAUNCH na ng GMA Network ang “Mano Po Legacy: The Flower Sisters,” played by Aiko Melendez as Lily, Beauty Gonzalez as Violet, Thea Tolentino as Dahlia at si Angel Guardian as Iris.

 

 

Sa four sisters, si Angel ang pinakabata sa apat, at ito rin ang first drama series niya on primetime.

 

 

“I am so grateful to Regal and GMA for giving me this good break.  Nag-audition po ako rito and I was so happy nang sabihin nilang nakuha ako.  Malaking pressure po sa akin that I will be acting with more established co-stars like Ate Aiko, Ate Beauty, and Ate Thea.

 

 

“Pero ang babait po nila and very helpful to a newcomer like me.  Kaya lagi po akong on my toes kapag kaeksena ko sila, kasi puro sila magagaling.”

 

 

Mapapanood na ang world premiere sa October 31, 9:35 pm, pagkatapos ng “Start-Up PH.”

 (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Nadal ibinahagi na ang kahandaan sa Monte Carlo Masters

    Nakahanda na si World Number 1 Rafael Nadal para sa Monte Carlo Masters.     Sinabi ng Spanish tennis star na naging naghanda na ito at bumuti na ang kaniyang kalusugan.     Target din nito na makuha ang ika-12 na titulo sa Monte Carlo.     Huling nakapaglaro mula ng natalo ito sa Australian […]

  • SAAN NAPUNTA ANG PONDO NG DOH, INISA-ISA

    SINIGURO  ng Department of Health (DOH) na ang bawat sentimo ng mga pinag-uusapang pondo pati na  rin ang lahat ng iba pang mga public funds na inilaaan sa kagawaran ay “accounted” lahat at magagamit para sa publiko.   Tugon ito ng DOH sa panawagan na magbigay ang Kagawaran ng “breakdown”  kung paano ginasta ang P9 […]

  • Pangulong Marcos inalala yumaong ama

    NAGBIGAY ng madam­daming mensahe si Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-35 aniber­saryo ng kamatayan ng yumaong ama na si dating ­Pangulong Ferdinand Marcos Sr.     Sa facebook post ng Pangulo, umaasa siya na proud sa kanya ang ama ngayon.     “My father lived in service to our country. He advocated for development, justice, […]