National Board of Canvassers, binuo na
- Published on May 11, 2022
- by @peoplesbalita
PORMAL nang binuo at nag-convene ang National Board of Canvassers (NBOC) ng Commission on Elections (Comelec) para sa senatorial at party-list elections.
Personal na pinangunahan ito ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, kasama ang mga kinatawan ng mga kandidato at partidong politikal na saksi sa pagbubukas sa mga plastic na kahon na naglalaman ng consolidation and canvassing (CCS) laptops.
Binubuo ang NBOC ng mga komisyuner ng Comelec, na nanguna sa konsolidasyon. Ang NBOC ang magka-canvass ng mga boto at magpo-proklama ng mga magwawaging senador at party-list groups.
Pinayagan naman ang mga partido na inspeksyunin ang mga CCS laptops.
Araw-araw na magpupulong ang NBOC hanggang sa makumpleto ang canvassing. Maaaring mag-adjourn ito kung maghihintay sa pagdating ng ibang COC. Bukas naman umano ang canvassing sa publiko, base sa Comelec Resolution 10786. (Daris Jose)
-
Sec. Chua, kumpiyansang mapaluluwag na ang quarantine restrictions sa Marso
KUMPIYANSANG inihayag ni Acting SocioEconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na mapaluluwag na ang quarantine restrictions sa Marso kung makikipagtulungan ang publiko sa minimum health standards. Giit ni Chua, hindi na kakayanin ng ekonomiya na bumalik sa mas mahigpit na quarantine measures. Kumbinsido si Chua na pagkatapos ng Pebrero ay nasa mas maayos […]
-
KOREA PICKS “CONCRETE UTOPIA” FOR INTERNATIONAL FILM RACE AT THE OSCARS, FILM TO MAKE NORTH AMERICAN PREMIERE AT THE 48TH TORONTO INTERNATIONAL FILM FESTIVAL
THE Korean Film Council (KOFIC) has unanimously chosen the disaster epic Concrete Utopia to represent South Korea in the selection for Best International Feature Film at the 2024 Academy Awards. In a statement on their official website, KOFIC said that they tried to select “a film that is Korean, yet aims for a global […]
-
‘Duterte Legacy?’: Utang ng Pilipinas record-breaking sa halos P13 trilyon
SUMIRIT sa panibagong all-time high ang outstanding debt ng pamahalaan matapos itong maitala sa P12.76 trilyon sa pagtatapos ng Abril 2022 — bagay na naapektuhan ng paghina ng piso kontra dolyar. Ibinalita ito ng Bureau of Treasury, Huwebes, ilang linggo matapos maiulat na katumbas na ng 63.5% ng ekonomiya ang utang ng Pilipinas. […]