National Children’s Vaccination Day laban sa COVID-19, itinulak
- Published on January 27, 2022
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ng mga health experts ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) against coronavirus disease (COVID-19) na magsagawa ng COVID-19 vaccination day para lamang sa mga bata sa gitna ng kamakailan lamang na pagsirit ng infections sa bansa.
Sa isang webinar na may pamagat na “Omicron Truths and Myths, Pediatric COVID-19 vaccine news and the Journey to the New Normal” na idinaos, kahapon, Enero 25, pinatunayan ng mga health experts ang pagiging epektibo ng COVID-19 vaccines.
Sa kahalintulad na webinar, sinabi ni Philippine Medical Association (PMA) president Dr. Benny Atienza na hiniling din ng kanilang medical society sa national government na magsagawa ng “vaccination day for children” para tumaas at maging mabilis ang inoculation drive sa gitna ng pagtaas ng infections.
“The PMA is suggesting to the DOH and IATF that there should be a National Children’s Vaccination Day to encourage the parents, the community, or their children to be vaccinated,” ayon kay Atienza.
“The proposed vaccination day for children is important, especially among the age group of five to 11-year-olds, as well as the 12 to 18-year-olds, considering that only a small percentage of these age groups have been vaccinated against COVID-19,” dagdag na pahayag ni Atienza.
Samantala, muli namang inulit ni Philippine Foundation for Vaccination (PFV) executive director Dr. Lulu Bravo na ang tanging daan lamang para tapusin ng bansa ang pandemiya ay sa pamamagitan ng “all-out vaccination.”
“Vaccination is the way for it. It is the way that we can end this pandemic… [it is] the immunity that we all deserve to get, not just from a previous infection, but from vaccination,” ani Bravo.
Inalala pa ni Bravo na ang worldwide pandemic ay nangyari noong 1918.
“Did you know that in the 1918 pandemic, at least 10 percent of the world’s population died from flu? We don’t want that to happen [again]. That’s the reason why vaccines are here to protect us,” anito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Bagong prisoner transfer program para sa mga Pinoy na nakakulong sa ibang bansa, hiling
HINIKAYAT ng isang mambabatas ang gobyerno na magbuo ng bagong International Prisoner Transfer Program upang mapagsilbihan ng mga Pilipinong nahatulan sa ibang bansa na sa Pilipinas na lamang makulong. Naniniwala si House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan na makakatulong sa rehabilitasyon sa mga pinoy na nahatulan sa ibang bansa kung sa Pilipinas nila bubunuin ang […]
-
Kahit may pagkakataon dahil dumalo sa ‘GMA Gala 2023’: VICE GANDA, ‘di nagawang lapitan ang nilait na award-winning host na si JESSICA
HINDI nagawang lapitan ni Vice Ganda ang award-winning host na si Jessica Soho kahit may pagkakataon ito noong dumalo ito sa GMA Gala 2023. Inamin ni Vice na kinakabahan siyang dumalo sa GMA Gala 2023 dahil bukod sa iisipin ng ilan na s’ya ay gatecrasher at makapal ang mukha, sampung taong rin kasi […]
-
Nagulat din na nagkaroon ng ‘unfollow issue’: JAMES, nilinaw na happy at sila pa rin ni ISSA
MALINAW na officially, sina James Reid at Issa Pressman pa rin. At si James mismo ang sumagot sa tanong namin kung happy pa rin sila ni Issa. Positibo ang sagot ni James at gets din niya agad na kung dahil daw ba do’n sa unfollow issue. Kuwento ni James, […]