• December 6, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

National fencing team sasabak sa Olympic qualifying sa Uzbekistan

Umaasa ang Philippine fencing team na makakabiyahe sila sa Abril patungo sa Uzbekistan para sumabak sa qualifying tournament ng 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Sumulat na si Philippine Fencing Association (PFA) president at Ormoc City Mayor Richard Gomez kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.

 

 

Lalahok ang mga national fencers sa Olympic Qualifying Tournament sa Abril 26 at 27 sa Uzbekistan kung saan ang mananalo lamang sa bawat kategorya ang makakakuha ng Olympic ticket sa Asian region.

 

 

Sa ibang kontinente ay ginamit ng International Fencing Federation ang world rankings para sa pagbibigay ng Olympic berth.

 

 

Bilang preparasyon sa Olympic qualifying ay ipinasok ni Gomez ang mga national fencers sa isang ‘bubble’ training sa Ormoc City.

 

 

Aasinta ng Olympic slot sina national fencers Jylyn Nicanor at CJ Concepcion sa sabre event, Hanniel Abella at Noelito Jose sa epee at Nathaniel Perez at Samantha Catantan sa foil.

 

 

Naglalaro ang 19-anyos na si Catantan, bronze me­dalist sa women’s individual foil noong 2019 Southeast Asian Games, para sa Penn State University sa US NCAA Tournament.

 

 

Si Nicanor ang kumuha ng gold medal sa individual women’s sabre ng 2019 SEA Games at naging bahagi si Abella ng gold medal winning team sa women’s epee.

Other News
  • 1 patay, 2 arestado sa pakikipagbarilan sa pulis sa Malabon

    DEDBOL ang isang umano’y holdaper matapos makipagbarilan sa rumespondeng mga pulis habang arestado naman ang dalawang kasama nito sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.     Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan si Jason Danco, 33 ng Sitio 6, Dumpsite, Brgy. Catmon habang kinilala naman ang mga naaresto […]

  • Obiena, PATAFA gumulo pa

    SA halip na mag-areglo gaya nang kanilang mga pinahayag sa Senado noong Pebrero 11, mas malaki pang gusot ang sumambulat para kay 2020+1 Tokyo Olympian men’s pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena at sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na pinamumunuan bilang pangulo ni Philip Ella ‘Popoy’ Juico.     Hindi gumalaw ang […]

  • 17 sangkot sa game-fixing scandal sa MPBL, haharap na sa kasong kriminal

    Magsasampa na ang mga prosecutors ng criminal charges laban sa 17 indibidwal na sinasabing sangkot sa match-fixing scandal sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) noong 2019.     Sa resolusyon ng Department of Justice (DoJ), nakitaan daw ng probable cause ang isinampang reklamo laban sa mga naturang indibidwal dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1602 […]