• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

National Rally for Peace ng INC, natapos ng mapayapa

PASADO 5:20 p.m nang mapayapang natapos ang isinagawang nationwide ‘National Rally for Peace’ ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC) kung saan umabot ang bilang nito sa 1.8 million na mga miyembro ng INC ang dumalo sa Quirino Grandstand.
Isa ito sa 13 sites na isinagawang nationwide rally ng INC sa buong bansa kung saan dagsa rin ang mga miyembro nito sa lugar ng Sports Complex nang Ilagan City, Provincial Capitol ng Palawan, Sawangan Park sa Legazpi City, Freedom Grandstand sa Iloilo City, Ormoc City Plaza sa Leyte, South Road Properties (SRP) Grounds sa Cebu City, Pagadian City Proper sa Zamboanga del Sur, Plaza Divisoria sa Cagayan de Oro City, San Pedro Square sa Davao City at Butuan Sport Complex sa Agusan del Norte.
Samantala, umaasa naman ang Malacañang na ang ginawang ‘National rally for peace’ ay magbibigay ng kaliwanagan sa mga isyu na kinahaharap ng bansa.
Binigyang diin naman ng mga kapatid natin sa INC ang kahalagahan ng pagkakaisa at kapayapaan sa gitna ng gulo sa pulitika sa bansa.
Bagama’t wala pang bilang na inilalabas ang pamunuan ng INC sinabi nila na mula ng magdatingan ang mga miyembro nito kaninang 6:00 a.m (Enero 13, 2025), ay ‘wala pa silang naitalang mga kaso ng nasugatan o nahilo hanggang sa matapos ang naturang rally.
Other News
  • Ads December 8, 2021

  • John 1:14

    The word became flesh and made his dwelling among us.

  • 2 wanted sa murder sa Valenzuela, nasukol sa Southern Leyte

    NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng dalawang lalaki na kabilang sa mga most wanted persons ng Valenzuela City dahil sa kasong murder matapos silang masukol ng pulisya sa pinagtataguan nilang lugar sa Southern Leyte.     Ayon kay Valenzuela City Police Chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pagtatago sa Southern […]