National team para sa Vietnam SEA Games pinayagan na ng IATF mag-bubble training
- Published on June 4, 2021
- by @peoplesbalita
Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang bubble training ng mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Inilabas ng Joint Administrative Order (JAO) No. 2020-0001 on Sports ang supplemental guidelines para sa pag-eensayo ng mga national athletes na lalahok sa 2021 Vietnam SEA Games sa Nobyembre 21-Disyembre 2.
“We would like to thank the government through the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) for approving the JAO guidelines,” wika ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na bahagi ng signatory agencies sa JAO kasama ang Games and Amusements Board (GAB) at Department of Health (DOH).
“This will boost the morale of our national team members as they prepare for the 2021 SEA Games,” dagdag pa ng PSC chief.
Nauna nang naturukan ng COVID-19 vaccine na Sinovac ang halos 730 miyembro ng Olympics at SEA Games-bound athletes, coaches at officials matapos isama ng IATF at DOH sa priority list sa vaccination.
“This will boost the morale of our national team members as they prepare for the 2021 SEA Games,” dagdag pa ng PSC chief.
Nauna nang naturukan ng COVID-19 vaccine na Sinovac ang halos 730 miyembro ng Olympics at SEA Games-bound athletes, coaches at officials matapos isama ng IATF at DOH sa priority list sa vaccination.
Noong Enero ay ipinasok ng PSC sa bubble training ang mga national teams ng boxing, taekwondo at karatedo na sasali sa 2021 Tokyo Olympics sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
-
Grave threat at inciting to sedition… Kasong kriminal kay VP Sara Duterte, inirekomenda ng NBI
INIREKOMENDA na ng National Bureau o Invesigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Vice President Sara Duterte. Ito ay kaugnay pa rin sa death threath kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at House Speaker Martin Romualdez. Ayon kay NBI Director Jaime […]
-
Holyfield piniling patok si Pacquiao kay McGregor
LIYAMADO para kay former undisputed cruiserweight at heavyweight world men’s boxing champion Evander Holyfield si eight division world boxing champion Emmanuel Pacquiao sakaling matuloy ang boxing match kay dating two-division Ultimate Fighting Champion (UFC) world titlist Conor Anthony McGregor sa Gitnang Silangan sa kasalukuyang taon. Gayunman, klinaro nang 58-anyos na sa kasalukuyan, may 6-2 […]
-
LRT2 may libreng sakay para sa mga kababaihan sa International Womens Day
NAGHATID ng libreng sakay para sa mga kababaihang pasahero ang Light Rail Transit Line 2 (LRT2) bilang special treats kasabay ng pagdiriwang ng International Womens Day, March 8. Ang libreng sakay ay tuwing peak hours mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi. […]