• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nationwide face-to-face learning makadaragdag ng P12 bilyong piso kada isang linggo sa ekonomiya —NEDA

MAKATUTULONG ang nationwide resumption ng face-to-face o in-person classes para makabawi ang ekonomiya ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.

 

 

Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary at National Economic and Development Authority (NEDA) chief Karl Kendrick Chua na ang pagbubukas ng lahat ng 60,743 eskuwelahan para sa “in-person learning” ay makapagpapataas ng economic activity ng P12 bilyong piso kada linggo.

 

 

“This was on top of the estimated P16.5 billion to be added to the country’s gross domestic product each week that the entire Philippines is under Alert Level 1, ” ayon kay Chua.

 

 

Aniya, ang P12 bilyong piso kada linggo na magsisilbing karagdagang economic output ay manggagaling mula sa pagpapatuloy ng “services around the schools like transport, dorms, food stalls, school materials and so on.”

 

 

Inamin ni Chua na ang Philippine economy ay nawalan ng P22 trillion para sa dalawang taon nang isara o itinigil ang face-to-face learning.

 

 

“Around P11 trillion in productivity losses every year could be averted if in-person learning resumed nationwide,” ani Chua.

 

 

Sa ngayon, mayroon lamang 1,726 eskuwelahan o 2.9% ng lahat ng eskuwelahan sa buong bansa ang nagsasagawa ng face-to-face classes.

 

 

Samantala, tinukoy ang data Department of Education, sinabi ni Chua na mayroong 6,213 eskuwelahan ang handa ng magsagawa ng in-person classes.

 

 

“As the vaccination rate of children increases, opening all schools for face-to-face learning will provide a big boost to the economy and improve the learning and productivity of children,” ayon kay Chua.

 

 

Idagdag pa, ang pagpapatuloy ng face-to-face classes ay makapagpapabuti sa learning outcomes ng 50%.

 

 

Sinabi pa ni Chua na ito rin ay “free up time for one-fourth of parents, who skip work or reduce work time to accompany their children in home learning.”(Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Willie Revillame, naipamigay na ang P5M ayuda para sa higit 3,000 jeepney drivers

    Maayos na naipamahagi ni Willie Revillame ang limang milyong pisong ayuda para sa jeepney drivers ngayong Miyerkules ng tanghali, August 19.   Personal itong inasikaso ni Willie.   Sa central office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) tinipon ang transport leaders at jeepney drivers na hindi miyembro ng kahit anong transport group.   Nakatanggap […]

  • Dahil sa killer clown na si Pennywise sa ‘IT’: ANDREA, ini-reveal sa vlog na may takot sa mga payaso

    EXCITED na ang ilang Sparkle artists para sa magaganap na GMA Thanksgiving Gala sa July 30.       May kanya-kanya paghahanda ang ilang Kapuso hunks tulad nina Jak Roberto, Nikki Co, Kristoffer Martin at Dion Ignacio.       Si Jak ay gusto munang magbawas ng timbang para raw mas maganda ang lapat ng […]

  • NBA stars bibida sa USA Basketball team na sasabak sa Paris Olympics

    PORMAL ng inanunsiyo ng USA Basketball Team ang mga manlalaro na kanilang isasabak sa 2024 Paris Olympics.     Gaya ng inaasahan ay star-studded ang nasabing lineup sa pangunguna ng kanilang head coach na si Steve Kerr.     Pinangungunahan ito nina Los Angeles Lakers star LeBron James, Golden State Warriors Star Steph Curry at […]