Nationwide issuance ng 10-year drivers’ licenses nakatakda sa Disyembre
- Published on November 6, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nangako ang Land Transportation Office (LTO) na sisimulan na nito ang nationwide issuance ng drivers’ licenses na mayroong 10-year validity sa buwan ng Disyembre ngayong taon.
“By December 2021, the LTO commits that all its offices nationwide will be issuing licenses with a 10-year validity,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Miyerkules.
Sinimulan ng LTO noong Oktubre 28 ang pag- roll out sa bagong driver’s license na balido par sa 10 taon sa kanilang licensing offices sa Quezon City.
“The rest of the offices in the NCR (National Capital Region) shall start issuance of the same in November 2021, to be followed by all other regions progressively,” ayon kay Pangulong Duterte.
Aniya, magiging hassle-free na para sa mga motorista na makakuha ng driver’s license sa bansa.
“Ang lisensiya ng ating mga [motorist] sa driving sa lahat is good for 10 years. Wala nang renewal-renewal na madalian. You have 10 years to drive. Baka hindi mo maubos ‘yang period na ‘yan sa driving. Ten years is a… It’s a long haul,” ayon sa Chief Executive.
Matatandaang Agosto 2, 2017, tinintahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act (RA) 10930 na nag-amiyenda sa Land Transportation and Traffic Code na “establish a system that promotes the ease of access to government services and efficient transportation regulation favorable to the people.”
Pinalawig ng RA 10930 ang validity period ng mga lisensiya mula 5 taon hanggang 10 taon mula sa nagdaang tatlong taon para sa mga drivers na walang violations.
Sa pag-renew ng driver’s license, ang mga motorista ay required na kumuha ng comprehensive driver’s education program (CDEP) exam.
Ang mga motorista na lalabag sa traffic rules ay kailangan na kumuha ng karagdagang CDEP reviewers.
“On Tuesday, the LTO said the exam and educational materials that are part of the CDEP can be accessed cost-free through the LTO”s Land Transportation Management System website portal lto.gov.ph. ,” ayon sa ulat. (Daris Jose)
-
Gobyerno ng Pilipinas, naghahanda na para ialis ang mga Pinoy sa Sudan
GINAGAWA na ng pamahalaan ang kailangang paghahanda para ialis ang mga Filipino sa Sudan kasunod ng idineklarang 72-hour ceasefire roon. Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang idineklarang 72-hour ceasefire ay makapagbibigay ng oportunidad o pagkakataon para maibalik sa Pilipinas ang mga Filipinong naipit sa war-torn country. Ang pahayag na […]
-
17-M tickets ni-request ng mga fans para sa FIFA World Cup Qatar 2022
UMAABOT sa kabuuang 17 million na mga tickets ang hiniling umano ng mga football fans mula ng buksan ang bentahan ng tickets para sa nalalapit na FIFA World Cup Qatar 2022. Sinasabing inabot lamang ng 20 araw ang sales period na nagtapos ngayon kung saan ang pinakamaraming mga request ay nagmula sa host […]
-
Galvez, ipinanukala ang pagbabakuna laban sa covid 19 sa mga kabataang may edad na 12 hanggang 17 sa kalagitnaan ng Oktubre
IPINANUKALA ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang pagbabakuna sa mga menor de edad o 12 hanggang 17 taong gulang laban sa COVID-19 na magsisimula sa kalagitnaan ng Oktubre. Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules, sinabi ni Galvez na ang gobyerno ng Pilipinas ay mayroong 23.75 milyong […]