Nat’l Maritime Council sa gitna ng ‘range of serious challenges’, tinintahan ng Pangulo
- Published on April 2, 2024
- by @peoplesbalita
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 57 na lilikha ng National Maritime Council (NMC) para palakasin ang maritime security ng Pilipinas at itaas ang maritime domain awareness ng mga filipino sa gitna ng agresibong taktika at pagbabanta ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).
Sa anim na pahinang EO 57 na nilagdaan noong Marso 25, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na palakasin ang maritime security at itaas ang kamalayan sa maritime domain sa gitna ng “a range of serious challenges that threaten not only the country’s territorial integrity, but also the peaceful existence of Filipinos.”
“Strengthening the country’s maritime security and domain awareness is imperative to comprehensively tackle the crosscutting issues that impact the nation’s national security, sovereignty, sovereign rights, and maritime jurisdiction over its extensive maritime zones,” ayon sa Pangulo.
Sa ilalim ng EO 57, pinalitan ni Pangulong Marcos ng pangalan at muling inorganisa ang National Coast Watch Council (NCWC) sa NMC para bumalangkas ng mga polisiya at estratehiya upang masiguro ang “unified, coordinated and effective governance framework” para sa maritime security at domain awareness ng bansa, bukod sa iba pang kapangyarihan at tungkulin.
Si Executive Secretary Lucas Bersamin ang tatayong chairman ng NMC na may tungkulin na bumalangkas at magpalabas ng mga alituntunin para sa epektibong implementasyon ng EO 57 sa loob ng 60 araw mula sa pagiging epektibo nito.
Ang mga miyembro ng NMC ay ang mga Kalihim ng Departments of National Defense (DND), Agriculture (DA), Energy (DOE), Environment and Natural Resources (DENR), Foreign Affairs (DFA); at National Security Adviser (National Security Council).
Kasama rin bilang mga miyembro ng NMC ang mga Kalihim ng Departments of Finance (DOF), Interior and Local Government (DILG) and Transportation (DOTr) kasama ang Solicitor General, at Director General ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).
Ang NCWC Secretariat, na pinalitan ng pangalan bilang Presidential Office for Maritime Concerns (POMC), ay may tungkulin na magbigay ng “consultative, research, administrative and technical services” sa NMC at tiyakin ang episyente at epektibong implementasyon ng mga polisiya ng konseho, bukod sa iba pang mga tungkulin.
Si Presidential Assistant for Maritime Concerns Andres Centino ay itinalaga bilang POMC head at may atas na direktang mag-ulat sa Pangulo ukol sa mahahalagang at kritikal na bagay at usapin na nakaaapekto sa “maritime security at domain awareness” ng bansa.
Samantala, ang National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), ay nilikha para “to orchestrate, synchronize, and operationalize the employment of the capabilities of different agencies for a unified actions in the WPS, will be attached to the NMC and will receive policy guidance from the President through the NMC.”
Ang EO 57, nilagdaan ni Bersamin na may pahintulot ng Pangulo ay kagyat na magiging epektibo sa oras na mailathala sa Official Gazette, o sa pahayagan na may general circulation kung saan ang kompletong listahan ng kapangyarihan at tungkulin ng NMC, at support agencies ay nakasaad kasama ang mga tungkulin ng POMC at National Maritime Center.
Nagpalabas si Pangulong Marcos ng EO kasunod ng water cannon attack ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia sa Philippine supply vessel sa Ayungin Shoal na nagdulot ng labis na pinsala sa barko at nag-iwan ng tatlong Filipino crew members na pawang mga sugatan. (Daris Jose)
-
Pinay karateka Junna Tsukii tiwalang makapasok sa Tokyo Olympics
Magtutungo sa Istanbul, Turkey si Japan-based Filipina karateka Junna Tsukii para sa qualifying tournament sa Tokyo Olympics. Lalahok ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa Premier League tournament na magsisimula sa March 11. Umaasa ito na makapasok sa top 4 sa Olympic ranking system para tuloy-tuloy na ang pagsabak sa […]
-
Suspensiyon ng payment claims ng mga ospital, ipinagpaliban ng PhilHealth
Ipinagpaliban muna ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang implementasyon ng isang circular na pansamantalang nagsususpinde sa claims payments ng mga pagamutan. Ito’y habang nagkakaroon pa ng dayalogo sa pagitan ng state insurer at ng mga naturang pagamutan. Nauna rito, nabatid na inisyu ng PhilHealth ang Circular No. 2021-0013 na nagtatakda […]
-
IRR ng vintage vehicle law nilagdaan
NILAGDAAN kamakailan lamang ni Land Transportation Office (LTO) assistant secretary Jose Arturo Tugade ang implementing rules and regulations o ang IRR ng Republic Act 11698 o ang mas kilalang Vintage Vehicle Regulation Act. Noong nakaraang April pa naging effective ang nasabing batas na naglalayon na maprotektahan at maitaguyod ang vehicle heritage ng bansa […]