• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nat’l Privacy Commission, nagbabala laban sa pagsasamantala sa mga kabataan

NAGBABALA ang  National Privacy Commission (NPC) laban sa mga “online abuse at exploitation” na target ang mga kabataan sa isinagawang  Youth Privacy Advocates Annual Summit.

 

 

“Hihimukin nila na magbigay ka ng personal na impormasyon, gagawing ka-close yung mga bata. Ige-gain nila yung trust nung mga nakakausap nilang bata,” ayon kay Public Information and Assistance division of the commission chief Roren Marie Chin.

 

 

“Pwedeng mag-start nang manghingi ng mga pictures. Pwedeng explicit na mga pictures ito. Kumpletong address, ang mga contaact information, or hingan din ng mga credit card numbers yung bata,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sa ulat,  batay sa  survey na isinagawa ng End Child Prostitution and Trafficking, Interpol, at UNICEF,  tinatayang nasa dalawang milyong kabataan ang naging biktima ng  online sexual exploitation at pang-aabuso noong nakaraang taon.

 

 

Natuklasan din sa pag-aaral na 20% ng internet users sa Pilipinas na  may  edad na 12-17 ay nakaranas ng pang-aabuso sa online.

 

 

“Syempre natatakot din ako kasi baka mamaya dun siya pumunta sa ibang site na ano. Kaya minsan nililimit ko rin yung kanyang— ‘wag siyang mag-open. Alam niya ‘yung limitasyon niya don. Sinabi ko sakanya talaga yon,” ang naging pahayag naman ni  Zenaida Ramos-Sarita, isang magulang.

 

 

Dahil dito, pinayuhan ng NPC  ang mga kabataan na umiwas na makipag-usap sa mga  “strangers” sa internet.

 

 

Hindi dapat na nagbibigay ang mga ito ng kanilang  personal information at limitahan lamang dapat aniya ang pagbisita sa websites  upang sa gayon ay hindi sila mabiktima ng online abuse. (Daris Jose)

Other News
  • Top 8 MWP sa Caloocan, timbog

    ISANG lalaki na nakatala bilang top 8 most wanted person ang nasakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas “Rudy” na […]

  • THE BEST IN THE REGION

    THE BEST IN THE REGION.   Hawak ni Gobernador Daniel R. Fernando ang dalawang Plake ng Pagkilala ng Lalawigan ng Bulacan sa pagiging “Top 1 among all provinces in Central Luzon for obtaining the Highest Nominal Locally Sourced Revenue of 3,237,800,946.86” at “Top 3 for obtaining a 12% Year on Year Growth in Locally Sourced […]

  • Tugon ng China sa COVID-19, ikinadismaya ng US?

    Dismayado umano ang Estados Unidos sa naging paraan ng China tungkol sa mabilis na paglobo ng bilang ng mga taong nadapuan ng sakit na coronavirus.   Sinabi ni National Economic Council Director Larry Kudlow na inaasahan daw ng administrasyon ni US President Donald Trump ang mas transparent na impormasyong ihahatid ng Chinese government sa publiko. […]