Nat’l sovereignty sa West Phl Sea, dedepensahan ng gov’t – Defense chief
- Published on March 30, 2021
- by @peoplesbalita
Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa publiko na nakahanda ang ang gobyerno na protektahan at depensahan ang national sovereignty ng Pilipinas partikular sa may Julian Felipe Reef.
Kaugnay pa rin ito sa pagsalakay ng mga Chinese maritime militia vessels sa lugar na sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Siniguro rin ng kalihim sa sambayahan na mayroon nang hakbang ang pamahalaan para lutasin ang isyu.
“I assure our people that we are addressing the situation. We stand by our position calling for the immediate withdrawal of Chinese vessels in the Julian Felipe Reef, which was communicated to the Chinese Ambassador. We are ready to defend our national sovereignty and protect the marine resources of the Philippines,” pahayag ni Lorenzana.
Ayon sa kalihim, may mga barko na ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard ang ipinadala sa lugar.
Asahan na rin ang mas maraming barko ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard na magsasagawa ng sovereignty patrols para protektahan ang mga mangingisda sa West Philippine Sea.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na rin ang Department of National Defense (DND) sa iba pang ahensiya ng pamahalaan gaya ng Coast Guard at Bureau of Aquatic and Fisheries Resources para magsanib pwersa hinggil sa kanilang pagpapatrolya sa West Philippine Sea at ang Kalayaan Island Group (municipality of Pag-asa).
Sa kabilang dako, kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Lieutenant General Cirilito Sobejana na nasa 183 Chinese vessels ang namataan sa Julian Felipe Reef batay sa isinagawang maritime patrol ng Philippine Air Force aircraft sa lugar.
Binigyang-diin ni Sobejana na hindi nila papayagan na masakop ng China ang Julian Felipe Reef gaya ng ginawa nila sa Scarborough Shoal.
Aniya, magkatuwang ang AFP, DND at Department of Foreign Affairs para maresolba ang isyu sa Julian Felipe Reef.
Ayon sa AFP chief, ayaw nila humantong sa military action kaya ginagawa nila ang lahat sa pamamagitan ng diplomatic approach.
-
NAVOTEÑOS HINIKAYAT NA MAGPABAKUNA
NANAWAGAN si Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco sa kanilang kababayan Navoteños na huwag palampasin ang pagkakataon magpabakuna ng Moderna at Pfizers vaccines na mayroon ang Pamahalaang Lungsod ngayon. Ito’y matapos makarating sa kanila na sa 3,000 slots ng Moderna vaccine na nakalaan ay 948 lamang ang dumating para magpabakuna. […]
-
BEST tankers tagumpay ang kampanya sa PSI National Open
MAGARBONG tinapos ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST) ang kampanya nito matapos sumiguro ng tatlong ginto, dalawang pilak at isang tanso sa huling araw ng 2022 Philippine Swimming Incorporated (PSI) National Open na ginanap sa Rizal Memorial Swimming Pool sa Malate, Manila. Pinakamaningning si Brent International School standout Micaela Jasmine Mojdeh na nakahirit […]
-
1 day a week policy, puwedeng ipatupad ng mga lokal na pamahalaan para mabigyang pagkakataon na makalabas ng bahay ang mga Senior Citizen
IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Local Government Units (LGUs) ang pagpapasya o discretion kung pagbibigyan ang panawagan ng Senior Citizen’s partylist na ikunsidera ang mental at emotional health ng mga Senior Citizen. Bukod pa sa bigyan ang mga ito ng exemption sa implementasyon ng age restriction ng mga hindi pinapayagang makalabas ng bahay. […]