• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Natuklasang dalawang biyahero na nasa Pinas na may omicron variant, nasa quarantine facilities na –Nograles

KAPWA nasa quarantine facilities na ang dalawang byahero na tinamaan ng Omicron variant.

 

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ipinaalam na sa Office of the President ang dalawang kaso ng Omicron variant na natuklasan ngayon sa Pilipinas.

 

“As earlier reported by the Department of Health, the variant was detected among two recent travelers to the Philippines, both of whom are presently in quarantine facilities,” ayon kay Nograles.

 

Pinuri naman ng Malakanyang ang mga health experts, particukular na ang Department of Health, University of the Philippines – Philippine Genome Center at ang University of the Philippines – National Institutes of Health para sa maaga nilang pagkakatuklas sa dalawang kasong nabanggit.

 

Sa kasalukuyan, isinasagawa na ang active case finding at contact tracing para madetermina ang health condition ng mga co-passengers ng confirmed cases.

 

“This early detection forms part of our Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategy that has been in place all throughout the pandemic,” aniya pa rin.

 

Samantala, tiniyak naman ng Malakanyang sa publiko na masusing imo-monitor ng gobyerno ang developments ng dalawang kaso bunsod na rin ng umiiral na protocols,

 

“As we continue to remind the public not to let their guard down, to religiously observe minimum public health standards, and call upon all those unvaccinated to get their jabs as soon as possible,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Inspection ng OFW hospital, pangungunahan ni Pangulong Duterte : Operasyon, sisimulan ngayon

    INANUNSYO ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magbubukas na ang Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital ngayong Lunes, Mayo 2.     Sa isang statement, sinabi ng DOLE na ang OFW Hospital na itinayo sa San Fernando City, Pampanga ay magbibigay ng medical care at health services sa mga OFWs at ng kanilang […]

  • DBM, aprubado na ang pagpapalabas ng mahigit sa P2-B para sa indigent PhilHealth members

    INAPRUBAHAN na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng mahigit sa P2 bilyong pisong pondo  para sa  Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) na gagamitin sa insurance premium subsidy para sa mga indigent members.     Sinabi ni  DBM Secretary Amenah Pangandaman na sakop ng Special Allotment Release Order (SARO) ang subsidiya ng […]

  • China, umaasa na papalag ang Pinas kapag inaabuso na, kinakaladkad sa isyu ng ‘trouble waters’

    UMAASA ang China na papalag at tututol na ang Pilipinas kapag inaabuso na o may nagsasamantala at kinakaladkad sa isyu ng  “trouble waters.”       Ang pahayag na ito ng Chinese embassy sa Maynila ay matapos na sabihin ni  US Defense Secretary Lloyd Austin sa Camp Aguinaldo na muling pinagtibay ng Pilipinas at Estados Unidos […]