• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NATUKOY NA UK VARIANT, GALING SA MIDDLE EAST

KINUMPIRMA  ng Department of Health (DOH) na galing ng Middle East  ang 13  returning Overseas Filipino na kabilang sa 18 bagong natukoy na UK variant ng SARS-CoV-2.

 

Sa datos na ibinigay ng DOH, mula United Arab Emirates (UAE), Bahrain, at Saudi Arabia ang nasabing mga ROFs.

 

Ang 13 ROFs ay dumating sa bansa sa pagitan ng January 3 hanggang 27 kung saan kapwa sumailalim sa quarantine at gumaling na.

 

Patuloy naman ang imbestigasyon ng DOH ang naging quarantine ng mga ito at contact tracing.

 

Matatandaan na galing din ng UAE ang kauna-unahang kaso ng UK variant na natuklasan sa bansa.

 

Sa ngayon ay mayroon nang kabuuang 62 variant sa bansa ngunit hindi pa rin maikokonsidera ng DOH at mga eksperto na mayroon nang community quarantine sa bansa bagamat sa iba’t ibang rehiyon na naitala ang mga kaso.

 

Kabila sa mga kaso ng variant na natuklasan ay  22 kaso sa  Cordillera, 3 sa Davao region, 2 sa Calabarzon; at tig-iisa sa Central Visayas, Northern Mindanao, at National Capital Region.

 

Habang 30 ang mga ROFs, isa ang dumating na foreign national, at isa ang patuloy na bini-beripika ng kagawaran.

 

Mas pinalawak naman ang ginawang sequencing sa mga samples kung saan ipinag-utos ni Health Secretary Francisco Duque III ang lahat ng regional offices na magpadala ng positive samples na isasailalim sa whole genome sequencing. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Matapos makisawsaw sa isyu ng ‘no label’ nina Ruru at Bianca: RR, ‘di pinalampas ang naging komento ng ama ng aktor kaya niresbakan

    NANG makita ni RR Enriquez ang isang artcard tungkol sa dating relationship nina Ruru Madrid at Bianca Umali, pero walang label, nag-comment ito sa kanyang IG account ng, “Gusto ko ito sawsawan at gigil ako😩😂   “Four years and yet “No Label??   “Gurl if totoo man yan you should know your worth…   “Kaya […]

  • MALAKI ang pasasalamat ni Ivorian cager Kakou Ange Franck Williams Kouame sa paghirang sa kanya ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) upang magsilbing naturalized player ng national men’s basketball team o Gilas Pilipinas.     Inaprubahan sa nakalipas na linggo sa isang online forum sa pangunguna ni committee chairman Sen. Richard Gordon ang Senate […]

  • Ads September 13, 2021