Natutunan na dedmahin na lang: MARTIN, ‘di pumapatol sa comments pag ‘di totoo
- Published on June 21, 2023
- by @peoplesbalita
Napapayag si Rob na gawin ang sexy movie para magkaroon ng ingay ang pangalan niya. Kaya wala siyang takot na gawin ang mga sex scenes sa movie kasama si Alexa Miro.
Pero ngayon ay lumihis si Rob sa sexy image na iyon at isang dramatic leading man na siya, Nasimulan niya ito sa teleserye na ‘Mano Po Legacy: The Family Fortune’ at ngayon ay kasama siya sa ‘Magandang Dilag’ bilang isa sa leading men ni Herlene Budol.
“No regrets about doing those sexy scenes kasi maganda naman ‘yung project. And I don’t mind doing another sexy film naman, pero dito muna tayo sa paggawa ng teleserye. I’m enjoying myself right now kasi iti ang gusto kong gawin noong bata pa ako,” sey ni Rob.
Nasa dugo ni Rob ang pagiging artista dahil isang Ejercito-Estrada ang kanyang ina, ang dating aktres na si Kate Gomez na nakababatang kapatid ni Gary Estrada. Lolo niya sina Joseph Estrada, George Estregan at ang film producer na si Jesse Ejercito.
“Alam ko na one day papasukin ko ang showbiz because of what they are saying na nasa dugo ko ang showbiz. I know that it’s a tough act to follow the footsteps of my family who are great actors, but I will do my best to prove to everyone that I also belong in this industry,” pahayag pa ni Rob na nakatapos ng kursong Export Management mula sa De La Salle-College of Saint Benilde.
***
SA tagal na raw sa showbiz ni Martin del Rosario, isa raw sa natutunan niyang gawin ay ang dedmahin ang mga binabatong issues sa kanya.
Hindi raw naging madali para sa ‘Voltes V: Legacy’ star na parating mag-explain ng kanyang side, lalo raw kung nahushagan na siya ng mga taong hindi naman daw siya lubusang nakikilala.
“Ako po kasi parang medyo sanay na ako dahil nakailang ganyan na ako. Madaming mga fake na lumalabas. Ang daming bashers, mga recent scandals ko mga pagiging irresponsible ko sa mga pag-post or mga pagiging irresponsible ko noong bata pa ako. Medyo sanay na ako. Sanay na ako i-deal ‘yung bashers,” paliwanag ni Martin.
Kaya natutunan ni Martin ang tinatawag na “art of dedma” sa showbiz. Kung hindi raw totoo, hindi niya pag-aaksayahan ng panahon.
“‘Kapag hindi totoo, ignore. Ignore talaga. Hindi ako pumapatol sa comments or mga ano, totally ignore,” diin pa niya.
Pero kung may bahid ng katotohanan ang isang balita sa kanya, willing siyang harapin ito at kung kailangan niyang humingi ng sorry, gagawin daw niya.
“Kapag totoo, ina-admit ko na kasalanan ko, nagso-sorry ako kung kailangan saka mahalaga ina-admit mo na nagkamali ka,” sey pa ni Martin na kasama sa upcoming GMA Publics Affairs film na ‘The Cheating Game’ na bida sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
NAGPAALAM na si Pat Sajak pagkatapos ng apat na dekada bilang game host ng ‘Wheel of Fortune.’
Sa kanyang tweet, huli na raw niya ang 41st season ng isa sa longest-running game shows ng Amerika.
“Well, the time has come. I’ve decided that our 41st season, which begins in September, will be my last. It’s been a wonderful ride, and I’ll have more to say in the coming months.
Taong 1975 noong magsimula ang Wheel of Fortune sa US television with the original host Chuck Whoolery. Noong mag-resign ito in 1981, binigay ang slot kay Sajak at naging co-host niya for 40 years si Vanna White.
Nanalo ng tatlong Emmy Awards si Sajak bilang host ng ‘Wheel of Fortune’ at noong 2011 ay ginawaran siya ng Daytime Emmy Lifetime Achievement award.
Pitong tao ang pinagpipilian na maging kapalit ni Sajak sa mababakanteng host position ng Wheel of Fortune. Kabilan dito sina Whoopi Goldberg, Ryan Seacrest, Wayne Brady, LeVar Burton, Stephen A. Smith, Maggie Sajak and Vanna White.
-
Paniniwala ni Sec. Concepcion, puwede nang hindi magpatupad ng Alert Level system pagdating ng Marso o Abril
NANINIWALA si Presidential Adviser on Entrepenurship Joey Concepcion na makakaya na ng gobyerno na hindi na magpatupad pa ng alert level system pagsapit ng Marso o Abril. Sinabi ni Concepcion na nasanay na kasi aniya ang mga tao sa mga ipinatutupad na health safety protocol sa nakalipas na 22 buwan. Sa […]
-
Mga atleta sasailalim sa 2 drug test bawat taon
PAPASADO na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo’t huling pagbasa ang panukalang magpapalakas sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165) para masugpo ang bawal na gamot sa paggamit. Kumikom ng boto ang House Bill 7814 ng 188 ang pabor, 11 ang mga tumutol at 11 naman ang abstention sa […]
-
2022 polls: Presidential debate ng COMELEC, isasagawa sa Marso 19
INANUNSYO ng Commission on Elections (COMELEC) na sa darating na Marso 19 na nakatakda ang isasagawa nilang Presidential debate. Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, ito ang magiging kauna-unahang Presidential debate na pangangasiwaan ng poll body kaugnay sa national at local elections sa darating na Mayo. Sinabi ni Jimenez na lahat […]