NAVOTAS EMPLOYEES MAKAKATANGGAP NG CASH INCENTIVES
- Published on September 21, 2021
- by @peoplesbalita
MAGBIBIGAY ng karagdagang insentibo ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga epleyado city hall na patuloy ginagampanan ang kanilang tungkulin sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang dalawang ordinansa na magbibigay ng cash assistance sa regular, casual, contract of service, at job order employees na nagtatrabaho sa pamahalaang lungsod simula March 2020.
Ang City Ordinance No. 2021-23 ay nagsasaad na ang mga empleyado na rendered services ng hindi baba sa anim na buwan ay makakatanggap ng kaukulang bayad depende sa uri ng kanilang trabaho.
Ang mga medical frontliner, na direktang nagtatrabaho sa COVID-19 cases, ay makakakuha ng P6,000. Ang non-medical workers na nasa peligro ding magkaroon ng sakit habang naka-duty, ay bibigyan ng P3,000.
Bukod dito, ang mga empleyado ng pamahalaang lungsod na nagpositibo sa COVID-19 ay makakatanggap ng karagdagang P2,000 tuwing makumpirma na nahawahan sila ng virus mula March 2020 – September 15, 2021.
Samantala, sa ilalim ng City Ordinance No. 2021-22, ang pamahalaang lungsod ay magbibigay ng isang beses na tulong pinansyal sa mga pamilya ng mga empleyado na pumanaw dahil sa COVID-19 sa nasabing time frame.
Ang mamatay na empleyado ng pamahalaang lungsod, anuman ang kanilang katayuan sa trabaho, na nagbigay ng serbisyo nang hindi bababa sa tatlong buwan ay karapat-dapat na makatanggap ng P20,000 cash assistance.
Sa kabilang banda, ang mga empleyado na nasangkot sa high-risk COVID-related functions at namatay, ay kwalipikadong magkaroon ng one-time financial assistance kahit na nasa serbisyo sila nang mas mababa sa tatlong buwan. (Richard Mesa)
-
P1,000 polymer bill ‘not for sale’ – BSP
INABISUHAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi ipinagbibili ang bagong labas na P1,000 pera na gawa sa polymer makaraang limitado munang bilang ang inilabas sa publiko. Sa pahayag ng BSP, ang bagong isanlibong pera, “is only worth its face value and should not be sold, traded, or bought for any other […]
-
23,000 pulis ikakalat sa pagbubukas ng klase sa Lunes
AABOT sa 23,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang ikakalat sa buong bansa para sa pagbibigay seguridad sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 22. Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, karamihan sa mga pulis ay itatalaga bilang police assistance desk malapit sa mga school campus sa iba’t ibang panig […]
-
Gunman na pumatay sa radio commentator na si Percy Lapid, sumuko
SUMUKO na ang gunman sa pumatay diumano sa radio commentator na si Percy Lapid (Percival Mabasa), na siyang ngumuso rin sa tatlo pang suspek habang isinisiwalat na tumanggap siya ng utos mula sa loob ng Bilibid. Martes nang iharap ni Interior Secretary Benhur Abalos ang suspek na si Joel Salve Estorial, na sumuko […]