NAVOTAS MAGHIHIGPIT SA MGA PAPASOK NA BIYAHERO
- Published on July 9, 2021
- by @peoplesbalita
PARA panatilihin ang kaligtasan ng mga konstituwents mula sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nagpatupad ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng paghihigpit sa mga papasok na biyahero na magmumula sa labas ng NCR Plus.
Ang paghihigpit ay applies sa essential at non-essential travels ng mga indibiduwal na magmula sa mga lugar sa labas ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna.
Ang bibisita sa Navotas ay kailangan magparehistro sa s-pass.ph at magsumite ng mga dokumento tulad ng health declaration o medical certificate mula sa health office ng kanilang lugar na pinagmulan na nagpapatunay na ang mga biyahero ay hindi COVID patients o pinaghihinalaan o maaaring may kaso.
Kailangan din nilang magsumite ng negatibong resulta ng RT-PCR swab test, isang barangay cetificate na nagsasaad na hindi sila kinakailangang sumailalim sa quarantine o nakumpleto na ito, at ang buong address ng kanilang pupuntahan sa Navotas.
“The travel restriction is a precautionary measure to ensure that we will not suffer again another surge of COVID cases. We saw an influx of cases and high transmission rates in places outside of NCR Plus. We need to implement additional safeguards to keep our people safe,” ani Mayor Toby Tiangco.
Ayon sa report ng OCTA Research, ang Navotas ay nakapagtala ng mababang number ng bagong kaso kada araw noong June 25 – July 1 kabilang sa Metro Manila cities.
Hanggang July 6, ang Navotas ay may kabuuang 11,088 COVID-19 cases, 10,619 ang mga gumaling.
-
Aby Marano nagretiro na sa paglalaro
Tuluyan ng nagretiro sa paglalaro sa national volleyball team si Aby Marano. Sa kaniyang social media account ay inanunsiyo ng 30-anyos na dating De La Salle Lady Spiker ang tuluyan nitong pagreretiro. Pinasalamatan nito ang kaniyang mga nakasama sa koponan at mga fans na sumubaybay sa kanilang laban. Taong 2018 ng maging […]
-
Jesus; John 13:34
Love one another.
-
Online Casino Azerbaycan Online Casino AzerbaycanNişanı kliklədiyiniz müddət aviator oyunu iki rejimdə əvəzsiz və praktik para. Content Mobil Casino Pin-up Azərbaycanda Qanunidirmi? Azərbaycan Oyunçuları üçün Kazino Güzgü-linklər Pin Up Casino Sahibi Kimdir? Pin Up 306 Casino əvvəl Qeydiyyat, Bonuslar, Yukle Pin-up Oyunu Pin-up Mərc Xətti Pin Upward Internet Casino Azerbaycan ️ Onlayn Kazino Pinup Formal Saytı Pin Up […]