NAVOTAS MAGTATALAGA NG MGA QUARANTINE ENFORCEMENT PERSONNEL
- Published on September 14, 2020
- by @peoplesbalita
MAGTATALAGA ng mga quarantine enforcement personnel ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga piling lugar at entrada sa mga kritikal na lugar na tinukoy ng Philippine National Police–Navotas.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ito ang ilan sa mga “best practices” ng Navotas sa laban sa COVID-19.
Aniya, kasama rin dito ang mas mahabang curfew hours, pag-iisyu ng home quarantine passes, at pagdampot sa mga lumalabag sa community quarantine protocols.
Maliban dito, nagpasa rin ang pamahalaang lungsod ng 10 city ordinances at 15 executive orders, kabilang ang 24-oras na curfew for minors, mga panuntunan para sa mga negosyong maaaring magbukas sa community quarantine, wastong pagsusuot ng face masks at social distancing, at iba pa.
Ang mga paghihigpit sa kilusan ay nakakarelaks ngayon na nasa ilalim kami general community quarantine. Dahil dito, nagiging kampante ang mga tao at banta ito sa kanilang kaligtasan. Upang mapanatili silang protektado mula sa sakit, pinahigpit namin ang aming patakaran sa curfew upang hikayatin ang mga Navoteños na manatili sa bahay kung wala silang importanteng gawin sa labas. Mahigpit din naming ipinatutupad ang wastong pagsusuot ng mga face mask at face shield, kung kinakailangan, pati na rin ang pagsasanay ng social distancing,” ani Mayor Tiangco.
Iniulat ng Navotas City Police na mula Agosto 19 ay 1,297 na ang dinampot dahil sa paglabag sa curfew, 3,205 para sa hindi pagsusuot o hindi wastong pagsusuot ng face mask, at 298 dahil sa hindi pagsunod sa social distancing. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
PDu30, pinuri ang DPWH sa Saraiya Bypass Road project
PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at project partners nito para sa pagtatapos ng Saraiya Bypass Road project. Sa kanyang naging talumpati sa isinagawang pagpapasinaya sa Sariaya By-Pass Road Project sa Brgy. Isabang, Lucena City ay sinabi ng Pangulo na ang achievement na ito ay patunay ng “strong commitment” […]
-
BEA, gusto sanang makatrabaho si ALDEN sa teleserye dahil ‘di pa matutuloy ang movie pero malabong mangyari
PABALIK na ng bansa ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo, kasama ang boyfriend na si Dominique Roque at back to work na raw siya. Balitang may teleserye siyang gagawin sa GMA Network, at totoo kayang si Alden Richards ang gusto niyang makatrabaho dahil malabo pa raw ang movie na dapat nilang pagtatambalan dahil gusto ng […]
-
50 milyong syringe vs COVID-19, nasayang
Ibinisto ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na pinalampas umano ng pamahalaan ang pagkakataong makakuha ng 50 milyong heringgilya. Sa twitter account ni Locsin, sinabi nito na tinalakay sa Washington DC ang pangangailangan para sa mga heringgilya subalit tumanggi ang mga ahensiya ng Pilipinas na pag-usapan ang mga detalye tungkol dito. […]