NAVOTAS NAGBIGAY NG CASH ALLOWANCE SA PWD STUDENTS
- Published on October 5, 2021
- by @peoplesbalita
NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco ng cash allowance sa special education (SPED) students.
Nasa 376 benepisyaro ng Persons with Disabilities (PWD) Students Educational Assistance/Scholarship ang nakatanggap ng kanilang cash allowance.
Sa number na ito, 341 ang elementary pupils, 13 ang high school students, at 22 naman ang college students.
Sa ilalim ng scholarship, magbibigay ang Navotas sa PWD students ng P500 monthly educational assistance o P5,000 kada academic year.
Ayon kay Mayor Tiangco, layon nito na kahit sa munting paraan, matutulungan sila ng pamahalaang lungsod sa kanilang pag-aaral.
Ang mga aplikante sa programa ay kailangan Navoteños o kahit isa sa kanilang mga magulang /guardians ay bonifide residents at rehistradong botante sa Navotas. (Richard Mesa)
-
Send-off sa Olympic-bound athletes ‘di tuloy
Posibleng walang sendoff ceremony na mangyari sa Malacañang para sa mga national athletes na lalahok sa Olympic Games sa Tokyo, Japan. Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na inaasahan niyang magiging mahigpit ang Palasyo sa mga bibisita kay Pangulong Rodrigo Duterte. “I don’t want to preempt the […]
-
Gaganap na kontrabida sa ‘Pulang Araw’: DENNIS, excited na sa matitinding eksena nila ni ALDEN
MARAMI na ang excited at nag-aabang sa pagsasama sa unang pagkakataon sa isang project nina Dennis Trillo at Alden Richards. In-announce na kabilang si Dennis sa cast ng ‘Pulang Araw’ na upcoming historical drama series ng GMA. Dito ay gaganap si Dennis bilang kontrabida, isang malupit na sundalong hapon na magpapahirap […]
-
SYLVIA, mas tumatag ang pananalig sa Diyos dahil sa matinding pagsubok na pinagdaanan ng pamilya; ‘Huwag Kang Mangamba’ napapanahong teleserye
SAKTONG isang taon na pala ng mag-positive sa Covid-19 ang mag-asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez, na hanggang ngayon ay kinatatakutan pa rin sa buong mundo ang nakamamatay na virus. Naging matindi nga ang pagsubok na hinarap ng mag-asawa noong isang taon, unang nag-positive noong March 16, 2020 si Papa Art at paglipas […]