• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS NAGBIGAY NG P6K INCENTIVE SA BARANGAY HEALTH WORKERS

NAGBIGAY ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas ng P6,000 service recognition incentive sa lahat ng barangay health workers sa lungsod na patuloy ginagampanan ang kanilang trabaho sa panahon ng pandemic.

 

 

Sa ilalim ng City Ordinance 2021-52, 193 Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS), at mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ang nakatanggap ng one-time financial assistance.

 

 

“Ang aming barangay health workers ay nanguna rin sa aming paglaban sa COVID-19, na ipagsapalaran ang kanilang buhay habang pinangangalagaan kami. Nais naming kilalanin ang kanilang mga sakripisyo at ipakita ang aming pasasalamat sa kanilang walang pag-iimbot na serbisyo sa mga Navoteño,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“Ang cash incentive na kahit kaunti kumpara sa kanilang mga sakripisyo, ay aming paraan ng pagkilala at pagbibigay ng gantimpala sa kanilang matatag na serbisyo,” dagdag niya. (Richard Mesa)

Other News
  • JELSON BAY AND SUE RAMIREZ, THE NEWEST PAIR ON NETFLIX! TO LOOK OUT

    THE new Filipino movie, Finding Agnes is now headlining on Netflix.   Starring Jelson Bay of Ang Pangarap Kong Holdap and Sue Ramirez (female lead of films such as Cuddle Weather, Dead Kids, & The Girl Allergic to Wifi.)   The movie follows the story of the successful businessman Brix, who was left behind by […]

  • POC tinulungan na ang mga atletang naapektuhan ng bagyong Odette

    Nagbigay na ng tulong pinansiyal ang Philippine Olympic Committee (POC) sa mga atletang naapektuhan ng bagyong Odette sa bahagi ng Visayas at Mindanao.     Mayroong tig-P10,000 na tulong pinansiyal ang binigay sa 10 surfers at dalawang coach nila sa Siargao.     Kasama rin na nabigyan ng tulong si Olympic marathoner Mary Joy Tabala […]

  • Marami pang maitutulong ang sports

    MAY mga kakilala po akong taga-sports,  mga atleta, businessman-sportsman, recreational athletes at iba ang tumutulong sa ating mga kababayan sa panahon ng may mahigit apat ng quarantine sanhi ng coronavirus disease 2019 pandemic.   Nakakausap ko po sila sa social media (socmed) sa pamamagitan ng Facebook messenger, nakikita sa ilang post sa Instagram, Twitter at […]