NAVOTAS NAGDAGDAG NG SKILLED WORKERS
- Published on September 28, 2021
- by @peoplesbalita
MULING nagdagdag ng bagong batch ng skilled workers ang Navotas City kasunod ng virtual graduation ng 138 Navoteños mula sa Navotas Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.
Sa NAVOTAAS Institute Annex 1, 46 ang nakakumpleto ng Japanese Language at Culture habang 11 nakatapos ng Basic Korean Language at Culture.
May lima ding nakapagtapos sa Beauty Care NC II; 4, Hairdressing NC II; 10, Dressmaking NC II; 7, Tailoring NC II; at 12, Bread and Pastry Production NC II.
Samantala, sa NAVOTAAS Institute Annex 2, 15 trainees ang nakakumpleto at nakatanggap ng national certification (NC) II para sa Housekeeping, at 28 nakapagtapos ng Basic Visual Graphics and Design.
Binati ni Mayor Toby Tiangco ang nasipagtapos at pinuri sila dahil sa paggamit ng kanilang oras sa pagsasanay at makakuha ng bagong kasanayan.
Aniya, maaaring magsimula ang mga nagsipagtapos ng negosyo o dalawin ang NavotaAs Hanapbuhay Center para sa hanapbuhay na puwede na nilang pasukan.
Habang sinabi naman ni Cong. John Rey Tiangco, na ang lungsod ay nagtatag ng training centers upang bigyan ng pagkakataon ang mga Navoteño na matuto ng mga bagong pamamaraan at iba’t-ibang uri ng skills na makatutulong sa kanilang paghahanapbuhay at pamumuhay.
Ang Navotas ay may apat na training centers na bukas para sa mga Navoteño at hindi Navoteño trainees habang ang mga residente ay maaaring mag-aral ng libre sa nabanggit na training institute at ang mga hindi naman residente ng lungsod ay sasailalim sa assessment exams ng librehttp://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2020/10/navotas_seal.png depende sa kursong kukunin nito. (Richard Mesa)
-
2 ‘tulak’ tiklo sa P224K shabu sa Caloocan at Valenzuela
TIMBOG ang dalawang umano’y tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan at Valenzuela Cities. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, dakong alas-12:08 ng tanghali nang maaresto ng mga operatiba ng […]
-
Mahigit 22 quarantine facilities para sa Metro Manila COVID-19 patients, patapos na – Dizon
Patuloy umano ang paghahanap at pagtatayo ng National Task Force against COVID-19 ng isolation o quarantine facilities para sa mga magpopositibo partikular sa Metro Manila. Magugunitang paubos na ang mga quarantine facilities na unang itinayo dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19. Sinabi ni NTF deputy […]
-
PDu30, gustong imbestigahan ang quarrying operations sa Guinobatan, Albay
GUSTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na imbestigahan ang di umano’y quarrying operations sa Guinobatan, Albay na ginagawa habang nananalasa ang bagyong Rolly. “Papa-imbestigahan ng Pangulo ang quarrying sa Guinobatan. Nagreklamo ang mga residente,” ayon kay Senador Bong Go. Iyon nga lamang, nananatili aniyang hindi malinaw kung ano ang tunay na reklamo ng […]