• May 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS NAITALA ANG MAS MABABANG KASO NG COVID-19

SA loob ng tatlong magkakasunod na linggo, muling nakapagtala ang Navotas city ng pinakamababang kaso ng COVID-19 kada araw.

 

 

Ayon sa OCTA Research Group, mula 12.36 average daily attack rate (ADAR) sa April 25-May 1 at 7.2 sa May 3-9, bumulusok ang ADAR ng lungsod sa 5.99 nitong May 9-14.

 

 

“We thank everyone for their contribution to our fight against COVID-19–our frontliners, for their steadfast service in spite of the dangers and challenges their profession entails, and all residents and workers in the city, for their cooperation and support to our policies and programs,” ani Mayor Toby Tiangco said.

 

 

“Our declining ADAR shows that the policies we implemented have been effective in protecting our people from COVID-19 and in preventing further transmission of the virus. These include the use of quarantine bands for COVID-positive patients and their close contacts, and the swab test requirement for those who violated the safety health protocols,” dagdag niya.

 

 

Gayunman, binalaan ni Tiangco ang mga Navoteño na panatilihin ang kanilang pagbabantay at patuloy na isagawa ang minimum health standards.

 

 

“Aside from following our safety protocols, have yourself vaccinated if you are 18 years old and above. This week you can choose whether you want AstraZeneca or Pfizer-BioNTech vaccines for your first dose,” sabi pa ng alkalde.

 

 

Maaaring magparehistro ang mga residente at mga mangagawa sa lungsod na edad 18 pataas sa libreng COVID vaccines sa http://covax.navotas.gov.ph/. (Richard Mesa)

Other News
  • Estudyante, ginang sugatan sa shotgun sa Navotas

    SUGATAN ang isang estudyante at 35-anyos na ginang matapos masapul ng ligaw na bala nang walang habas na paputukan ng shotgun ng isang fish porter ang kanyang mga kainiuman sa Navotas City.     Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanilang katawan ang mga biktimang sina Erabel Esgana, merchandiser at […]

  • Nagulat na napiling maging part ng ‘Voltes V’: JULIE ANNE, na-challenge sa pagkanta ng OG Japanese theme song

    SI Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose ang napiling kumanta ng original Japanese theme song ng “Voltes V: Legacy.”       Ikinagulat iyon ni Julie Anne at nasabi niyang, “parang wow!” from ‘Maria Clara’ tapes ngayon naman, ‘Voltes V’ siyempre isang malaking karangalan talaga kasi I’m singing it in Japanese, like ‘yung mismong theme song […]

  • Panguil Bay Bridge, pasisiglahin ang economic activities sa Mindanao

    KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. na magiging masigla na ang economic activities sa Mindanao sa tulong ng Panguil Bay Bridge.   Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na umabot ng dekada para maitayo ang tulay mula sa naging balak o plano pa lamang hanggang inagurasyon.   ”I just said we waited for […]