Navotas namahagi ng bigas sa 91K mga pamilya
- Published on July 31, 2024
- by @peoplesbalita
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tig-limang kilogram ng bigas sa 91,000 Navoteño families bilang bahagi ng patuloy nitong pagsisikap na magbigay ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng kamakailang pananalasa ng bagyong Carina at habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha sa lungsod na nakaapekto sa kabuhayan ng marami.
Binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang pangako ng lungsod na suportahan ang mga residente nito sa mga mapanghamong panahong ito.
“We understand the difficulties Navoteños are facing, and we are here to provide the necessary assistance and support. This rice distribution is just one of the many ways we aim to help Navoteños recover and return to their normal lives as soon as possible,” sabi ni Mayor Tiangco.
“We will start the distribution as soon as the logistical requirements are settled. We will post the schedule in our social media pages,” dagdag niya.
Bukod sa agarang pagbibigay ng tulong, nangako rin si Tiangco na mahigpit na makipag-ugnayan sa MMDA at DPWH para sa pagsasaayos ng Tangos-Tanza navigational gate.
Nasira ang gate noong June nang bumangga ang isang barge na nagdulot ng matinding pagbaha sa Navotas at Malabon.
Bumisita si Pangulong Bongbong Marcos noong Huwebes sa site at inatasan ang DPWH na magpatupad ng mga emergency measeures at pabilisin ng pagkumpuni ng navigational gate.
Samantala, namahagi din si Mayor JRT at ang kanyang kapatid na si Cong. Toby Tiangco ng 28,000 kilo ng isda noong Huwebes para suportahan ang mga pamilyang nawalan ng pagkakakitaan dahil sa baha.
“We know Navoteños are resilient, as demonstrated by how we have weathered and triumphed over numerous storms. Let us continue to support one another and strive to overcome the challenges we face,” ani Tiangco. (Richard Mesa)
-
PDu30, gustong bumalik sa Odette-hit provinces sa kabila ng COVID-19 case surge
NAIS nang bumalik ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga lalawigan na winasak ng bagyong “Odette”. Ito’y sa kabila ng pagsirit ng bagong surge ng COVID-19 cases na dahan-dahang winawalis ang iba’t ibang bansa. Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, na nais niyang muling bisitahin ang mga […]
-
Maging handa sa EL NIÑO phenomenon
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang Filipino para sa whole-of-nation approach sa paglaban sa epekto ng El Niño phenomenon, inaasahan na magtatagal sa second quarter ng 2024. Pinaalalahanan naman ng Pangulo ang mga ahensiya ng pamahalaan na bilisan ang pagkumpleto sa mga irrigation facility at iba pang istraktura. […]
-
Ads May 17, 2022