• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS PINURI NI CONG. TIANGCO

PINURI ni Congressman John Rey Tiangco ang Pamahalaang Lokal ng Navotas makaraang muling makamit nito ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) sa loob ng magkakasunod na anim na taon.

 

 

“Binabati ko po ang lahat ng kawani ng Pamahalaang Lokal ng Navotas, lalo na po ang ating butihing Ama ng Lungsod, Mayor Toby Tiangco sa inyong muling pagkamit ng “highest audit rating” mula sa COA,” ani Cong. Tiangco.

 

 

“Sobrang nakaka-proud po ang iginawad sa ating lungsod ‘pagkat tayo lamang ang nakakuha ng “unmodified opinion” sa lahat po ng Local Government Unti (LGU) sa Metro Manila” dagdag niya.

 

 

Aniya, ang iginawad sa Navotas ng COA ay patunay na ang pondo ng ating lungsod ay tunay na napupunta sa mga programa at proyektong inilaan para dito para sa ikauunlad ng ating syudad at ng buhay ng bawat Navoteño.

 

 

Ang Navotas ay nakatanggap ng parehong rating mula pa noong 2016 sa panahon ng panunungkulan ni Mayor at ngayon ay Congressman Tiangco, ang nag-iisang lokal na pamahalaan sa Metro Manila na mayroong naturang record.

 

 

“Sa lahat po ng ating mga katuwang sa serbisyong publiko sa ating lungsod, God bless sa inyong lahat! Sama-sama nating ipagpatuloy at pag-ibayuhin pa ang matapat na paglilingkod sa ating minamahal na mga kababayan”, pahayag ni Cong. JRT. (Richard Mesa)

Other News
  • Mayor Isko, paluluwagin ang Divisoria

    Nangako si Manila City Mayor Isko Moreno na gagawin ang buong makakaya para mapaluwag ang Divisoria na dinadagsa ngayon ng maraming tao para sa mga nais makamura sa kanilang mga Pamasko at mga negosyante na nagre-resell.   “We will put order in our own little and we will reinforce our effort na maglagay ng mga […]

  • SWS: 91% ng mga Pinoy takot na mahawa sa COVID-19

    Mahigit siyam sa 10 Pilipino ang nababahala na matamaan sila ng COVID-19 o ang kanilang mahal sa buhay.   Base sa survery na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Nobyembre 21 hanggang 25, natukoy na 91% ng mga Pilipino ang nababahalang mahawa sila o kanilang kamag-anak sa COVID-19.   Sa naturang numero, 77% ang […]

  • Navotas humakot ng multiple awards sa exemplary governance

    ISA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga lokal na pamahalaan na nanguna sa 2024 Urban Governance Exemplar Awards ng Department of the Interior and Local Government–National Capital Region (DILG-NCR).   Ito’y matapos makatanggap ang Navotas ng Highly Functional rating para sa Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children and Anti-Drug Abuse […]